Ashley, ‘di pa napapatawad ng ina

Naibahagi ni Ashley Ortega habang nasa loob pa ng Pinoy Big Brother house ang pagkakaroon nila ng tampuhan ng ina. Ayon sa Kapuso actress ay tatlong taon na silang hindi nagkakausap ng ina. Nang makalabas mula sa bahay ni Kuya ay agad na nagplano ang dalaga na puntahan ang ina pero hindi nagkita. “Two days after the eviction night, I went to the house. Pero wala kasi sina mommy doon. Walang tao sa house. Nag-iwan po ako ng flowers outside, and I texted her also na ‘Ma, I’m here.’ She hasn’t responded, not yet,” pagtatapat sa amin ni Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda.
Maraming manonood ang nagtatanong kung ano nga ba ang posibleng dahilan kung bakit nagkasamaan ng loob ang mag-ina. “Marami, Tito Boy, eh, marami pinanggalingan but of course, at the end of the day, alam ko meron din akong pagkakamali. It’s more of like, parang as I get older, my mom becomes stricter. So kumbaga parang I wanted to grow. I wanted to learn and make decisions on my own. Pero parang do’n nanggaling ‘yon eh. Parang I wouldn’t have the freedom to decide for myself. So parang do’n nagsimula ‘yon,” pagbabahagi ng dalaga.
Hindi raw inasahan ni Ashley na makatatanggap siya ng liham mula sa ina habang nasa loob pa ng PBB house. Gustong humingi ng tawad ng aktres sa ina para sa lahat ng kanyang nagawang pagkakamali at pagkukulang. “Ma, I really want to see you as soon as possible. And of course, I want to talk to her. Receiving that letter inside Kuya’s house, I was so happy. Sa tagal naming hindi nag-uusap, I wasn’t expecting something from my mom but I would reach out to my mom talaga. But again, I’m giving her time. When I left the house, ‘yon talaga, isa siya sa unang mga unang pinuntahan ko,” paglalahad ng Kapuso actress.
Ivana, inaming kinikilig din kay Dustin
Isang masayang karanasan para kay Ivana Alawi ang pagiging house guest ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Ang aktres ang kauna-unahang naging panauhin sa pinakabagong edisyon ng PBB. “Ako promise talaga, wala akong naging hirap sa mga housemates. Kasi napakabait nila and they were very welcoming. Pagdating na pagdating ko, wala namang isang tao na, ‘Ay! ‘Di ko magiging close.’ Wala ako talagang gano’n. Kasi pumunta ako do’n para mas makilala sila. So hindi ako nag-judge agad,” bungad ni Ivana sa Push ng ABS-CBN.
Hinding-hindi raw makalilimutan ng dalaga ang mga naranasan sa loob ng bahay ni Kuya. Mainit na pinag-usapan ang pagligo ni Ivana sa hardin ng PBB house. “Unang-una, hindi ko kaya ‘yung may CCTV. So may CCTV din sa labas eh anong kinaibahan? Ayun, unli time ako, makukuskos ko lahat. Tapos unli tubig, walang nag-aantay. So, solo ko ‘yon, bahala kayo diyan,” giit ng aktres.
Sa loob ng isang linggong pananatili sa PBB house ay maraming mga tagahanga ang kinilig kina Ivana at housemate na si Dustin Yu.
Aminado ang dalaga na nakaramdam din ng kilig sa Kapuso actor. “It’s really nakakatuwa kasi hindi namin ini-expect na pagkalabas grabe pala ‘yung mga edit ng tao (ng videos nila sa PBB). Mas nakakakilig noong may music. Kasi noong kami-kami lang parang tawanan na parang normal lang talaga kami. Napakabait, napaka-gentleman, saka mahiyain. Ngayon lang ako nakakitang gano’n ‘yung kilig. Kinikilig siya, kinikilig din ako,” pagtatapat ng dalaga. — Reports from JCC
- Latest