David: ‘Barbie is someone i really care about’

Maraming proyekto na ang pinagtambalan nina Barbie Forteza at David Licauco. Naging malapit na sa isa’t isa ang Kapuso stars sa paglipas ng mga taon. “Well, ‘yung closeness namin, close naman talaga kami ‘di ba?” nakangiting bungad ni David.
Maraming mga tagahanga ang nagtatanong kung nagkakamabutihan na nga ba ang dalawa ngayon. Matatandaang nagkahiwalay sina Barbie at Jak Roberto kamakailan pagkatapos ng pitong taong relasyon. “You have to think of course, Barbie just got off from a relationship and we should respect that. Kailangan niyang mag-heal. I care for her a lot. I just really care about her a lot. In love? I’m in love with life. I’m really happy,” makahulugang pagbabahagi ng aktor.
Para kay David ay malaki na ang pagkakaiba ngayon ng samahan nila ni Barbie dahil pareho na silang single. “Siguro before, transparently she was taken. I mean, Barbie has always been caring. Siyempre kapag may ka-work ka, kailangan naman talaga especially sa love team context. You really have to be caring and Barbie is someone I really care about. Feel ko kahit sino naman nasa situation ko kapag taken, hindi ka naman gagawa ng alam mo medyo extra care, ‘di ba? Now, obviously, when we’re together I care for her and ayun siyempre mas maluwag nga,” paliwanag ng binata.
AC, nagbago sa PBB
Maraming mga natutunan ni AC Bonifacio mula sa loob ng PBB house. Sina AC at Ashley Ortega ang kauna-unahang evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. “What I learned about myself is ‘yung pagka-leader ko. I don’t think I’ve ever seen how strong I was as a leader, na it could be taken differently nga, which I know now and I can tone down,” pahayag ni AC.
Sa loob ng tatlong linggo ay maraming tasks ang nagawa ng aktres sa loob ng bahay ni Kuya. Mas naging determinado raw ngayon si AC dahil sa kanyang naging karanasan bilang isang housemate. “Iba ‘yung hunger ko, iba ‘yung dedication ko when it comes to being a leader or even just trying to give in suggestions to be able to reach that goal po. I realized na may leader mindset is very strong,” paglalahad ng dalaga.
Hanggang ngayon ay halos hindi makapaniwala si AC na naging bahagi siya ng pinakasikat na bahay sa bansa. “Unang tapak sa bahay ni Kuya, sobrang na-overwhelm po kami. Kasi hindi namin in-expect, and I’m sure you also did it na pagkatanggal ng blindfold nasa loob na pala kami. It was that like mysterious for us. So, nagulat lang po ako na ayun ‘yung legendary swimming pool. Tapos ‘yung renovations na na-overwhelm po ako sa bagong bahay,” pagbabalik-tanaw ng actress-dancer. — Reports from JCC
- Latest