Julia, hindi na sarili ang pinagdarasal

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Julia Montes ang kanyang ika-30 kaarawan. Wala na raw ibang mahihiling pa ang aktres para sa kanyang sarili ngayon. “Super blessed na po ako parang galing sa lahat ng pinagpi-pray ko, more than ‘yung binibigay ni Lord. So, this time, it’s not for me. It’s for my friends, lahat ng mga nakilala ko and sana dito sa atin lahat sa Pilipinas,” nakangiting pahayag ni Julia sa ABS-CBN News.
Malaki ang pasasalamat ng dating child star sa lahat ng mga biyayang natanggap sa nakalipas na dalawang dekada. “Kung ano man ‘yung na-feel ko na blessing this year and from the past years na na-feel ko talaga ‘yung gift ni Lord. Sana ganoon din ang maramdaman ng bawat isa,” giit niya.
May bulung-bulungan na posibleng magkaroon ng reunion project sina Julia at Kathryn Bernardo. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktres kung sakali mang matuloy ang muli nilang pagtatrabaho ng kaibigan. “Super excited ako siyempre. ‘Yon nga ‘yung sinasabi namin, kami ang original love team with project. Naku! Kinakabahan na ako. Kung ako ‘yung mangongontrabida sa kanya talagang mahihirapan na talaga lalo ‘yung puso ko. Kung noon naiiyak ako, ngayon baka humahagulhol na ako. Looking forward kasi ang dami ng mature roles na napi-play si Kath. Ang dami na namin pwedeng i-explore this time around than before. So, looking forward sa project na ‘yon and sana matuloy anytime soon,” pagbabahagi ng aktres.
Michelle, emosyonal sa paglabas ng PBB
Kakaibang karanasan para kay Michelle Dee ang pagiging house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Naging emosyonal umano ang beauty queen nang lumabas na ng Bahay ni Kuya. “No’ng sinabi sa akin ni Kuya na takdang panahon na para lumabas na, naiyak po ako. I really didn’t want to leave yet. I loved the whole experience and siyempre minahal ko rin ‘yung mga housemates. I really found a connection with them,” paglalahad ni Michelle.
Masaya ang dalaga dahil nagsilbing inspirasyon sa housemates lalo na kina Esnyr at Klarisse de Guzman. Naibahagi ni Esnyr ang lahat ng paghihirap na naranasan ng kanilang pamilya.
Si Klarisse naman ay umamin sa kauna-unahang pagkakaton na isang bisexual. “That’s why I do what I do. My life should also serve as a source of inspiration. You walk the talk. For that to materialize in Esnyr sharing something about his life. And of course ate Klang, nakakataba po ng puso to be able to inspire something as big as that. Kaya salamat, Kuya, for allowing me to do that,” pagtatapos ng Miss Universe Philippines 2023. (Reports from JCC)
- Latest