^

PSN Showbiz

‘I don’t fear death anymore’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maaga ako kahapon dahil bukod sa dialysis, meron pa akong ECG at 2D Echo. Talagang lagare kaya nga parang ngarag na ako lalo pa nga at 78 na ako.

Talagang kung minsan gusto ko na lang buong araw na nakahiga. At talagang naghahanap ng mental challenge.

Mabuti na lang at sharp pa ako mentally kahit madalas forgetful ako sa ibang dapat gawin.

At this point I don’t fear death anymore, pero dasal ko kay God sana mapatawad niya ang mga nagawa kong kasalanan.

So happy na kahit ganito ang kondisyon ko mahal pa rin ako ng mga talent ko. Sana nga maging mapayapa ang pag-alis ko, hindi ako nasasaktan, at kayanin ang mga araw pa na binigay sa akin.

I will always pray for forgiveness. I love you, God.

Alden, may pakiusap kay Kathryn?!

Ang bongga naman ni Alden Richards na sobrang positive lang sa kabila ng mga pamba-bash sa kanya.

Sa post niya sa X ay tila meron siyang kausap na ‘di niya pinangalanan.

Pinaaalalahanan niya ito na laging piliing maging mabuti.

“At the end of the day…always…be kind.  Naalala mo dati sabi ko sayo ‘di ba? Sometimes being kind is better than being right. Please always remember that. Ingat ka today,” sey niya na may heart emoji.

Tingin ng mga follower niya ay para raw iyon sa fans niya. Habang may ibang humula na baka raw para sa ka-loveteam niya sa Hello, Love, Again movie na si Kathryn Bernardo iyon.

In fairness kay Alden, lagi niyang pinaaalalahanan ang fans niya.

Hindi rin kasi siya nega at ‘di siya ‘yung tipo na hinihikayat pa ang fans na makisali sa pamba-bash.

Lagi niyang pinakakalma ang sitwasyon.

Kaya nga rin niyang mag-call out ng fans kung kinakailangan kaya naman hindi siya iniiwan ng mga ito.

At isa pa ay wala rin siyang palya sa pag-share ng blessings niya.

Tama ‘yan, Alden, ituloy lang ang pagpapakalat ng kabutihan. ‘Wag mong intindihin ang mga basher mo.

ECG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->