‘I’m a changed person!’– Ashley

Sina Ashley Ortega at AC Bonifacio ang kauna-unahang na-evict na housemates mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Para sa Kapuso actress ay talagang hindi niya makalilimutan ang karanasan sa loob ng Bahay ni Kuya nang ilang linggo. “Ngayon hindi pa nagsi-sink in sa akin pero siyempre nabigla ako. Medyo nasa-sad ako pero siyempre at the end of the day, parang kailangan ko tanggapin na this is a game. Whatever inside the house naman, I’m going to cherish everything. Sa tagal ko sa industriya, first time ko lang talaga naging vulnerable nang gano’n sa harap ng maraming tao. Medyo feel ko I’m a changed person, hindi ko alam,” nakangiting pahayag ni Ashley.
Naninibago ang dalaga ngayon sa kanyang paglabas mula sa PBB house. Hindi raw kasi alam ni Ashley ang mga kaganapan sa ‘outside world’ habang nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya. “Hindi ko po alam kung ano mararamdaman ko ngayon. I’m super overwhelmed pero I’ll make time to reply to everyone kung kaya. Ang tanging masasabi ko lang is salamat po talaga. Kailangan ko muna i-process lahat ng nangyayari kasi wala pa akong alam eh,” paliwanag ng aktres.
Lubos ang pasasalamat ni Ashley sa lahat ng mga tagahangang sumuporta sa kanya. Umaasa ang aktres na susuportahan din ng mga manonood ang mga naiwan pang PBB housemates. “Sa lahat po ng supporters ko na nagmahal at sumuporta sa akin sa PBB, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. Sana patuloy n’yo pong suportahan ang PBB. ‘Yung mga housemates doon, lahat sila talagang matatapang, lahat sila mababait. I realized all of us are different pero ‘yung pagsasama namin doon ay really strong,” paglalahad ng dalaga.
Darren, naniniwala sa tulong ng kape, honey, salabat
Napapanood mula Lunes hanggang Sabado si Darren Espanto sa It’s Showtime bilang host. Tuwing Linggo naman ay kumakanta at sumasayaw si Darren sa ASAP. Sa kabi-kabilang trabahong ginagawa ay sinisikap umano ng singer na mapangalagaan ang kanyang boses. “Water and also proper sleep, vocal exercises. Saka you can never stop learning talaga eh. So vocal coaching and vocal lessons you can find even on the internet to take care of your voice. Saka naniniwala din ako sa honey, sa mga salabat,” pagbabahagi ni Darren.
Mahilig din ang singer sa pag-inom ng kape. Naniniwala si Darren na nakatutulong sa kanyang mga ginagawa ang palaging pag-inom ng kape. “Ako personally kaya kong uminom ng coffee before singing at an event or stuff like that. Grabe ‘yung pagmamahal ko sa kape talaga. Kahit hindi ko kailangang magising, iinumin ko ‘yung coffee. It’s like comfort drink for me as well. I am able to balance various activities because of it. It gives me that extra boost like when I’m at the gym or at the late night events na kailangan ko talaga magising. That’s when I also start to have another drink of coffee. And also before hosting ASAP and It’s Showtime. It’s very helpful for my day-to-day schedule. Every day talaga I drink coffee and it’s like the start of my day,” pagdedetalye ng singer. (Reports from JCC)
- Latest