Ruru, naaksidente!

Ruru Madrid
STAR/File

Nakakaloka, nagka-injury na naman daw si Ruru Madrid sa taping ng Lolong.

Pakiramdam niya, talagang sinusubukan tayo kung kelan hindi natin inaasahan.

Binigay raw niya ang lahat at full speed niya sa eksena, nang maramdaman daw niyang may mali sa binti niya.

Sinugod daw siya sa ospital at kinupirma ng doctor niya na nabanat o napunit niya ang kanyang hamstring, na injury pala sa likod ng hita natin.

Dumaan na raw siya sa MRI at umaasa siya na hindi ito Grade 3 strain, na ang ibig sabihin ay full tear na tatagal ng ilang linggo at buwan bago gumaling.

Sa tanong na masakit, oo ang kanyang sagot pero mas masakit daw sa pakiramdam na kailangan niyang huminto muna sa trabaho.

Pero iyon daw talaga ang realidad ng aksyon na kung minsan ay pinaalalahanan tayo ng katawan na tao lamang tayo at napapagod at nasasaktan.

Pinagdiinan naman niya na hindi siya titigil doon.

Ang mga pagsubok daw na ganun ay hindi makakasira sa kanya kundi bubuuin siya nito.

Hihinto lamang daw siya pero hindi pa iyon katapusan.

Sey pa nga niya, “Every setback is a setup for a stronger comeback. I will rise from this—wiser, tougher, and more unstoppable than ever.”

Hindi naman iyan ang unang beses na nangyari iyan sa actor dahil nagka-fracture na rin siya sa paa noon sa taping din ng Lolong.

Nagpapasalamat daw siya sa lahat ng nangamusta at nakasama niya lalo na sa kanyang mahal na si Bianca Umali.

Hindi raw siya nito iniwan sa oras na iyon.

Naniniwala nga siya na may plano ang Panginoon sa kanya.

Kaya paninigurado niya, “This is just part of the journey. And trust me, I’m coming back stronger. See you soon.”

Get well soon, Ruru.

‘Salamat lagi sa Diyos’

Well, getting older is really very physical.

Kahit tingnan mo na mukhang malakas ang edad, parang mahina naman ang katawan mo.

Gaya sa case ko na feeling healthy pero madalas na nanghihina dahil nga 78 years na ako. Kung minsan nga buong araw na lang ako nakahiga sa kama.

Even if I feel ok, bigla na lang parang hihina ang katawan ko. Kaya talagang apektado ako dahil sanay ako na laging mabilis ang kilos.

Now hindi na ako puwedeng pabara-bara ang kilos, pero grateful ako na sharp pa rin ang memory at utak ko.

So many things to be thankful. So many good things happening your way.

Our God is so good. So kind. Kaya naman lagi ang pasasalamat natin kay God.

Bongga.

Show comments