Archie, wanted na dahil sa kaso ni Rita!

Ibinaba na ng Municipal Trial Court ng Bacoor, Cavite ang Warrant of Arrest kay Archie Alemania, kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela.
Bahagi ng order na inisyu ng Presiding Judge Mary Rocelyn P. Lim-Guillano ng Branch 2 ng Municipal Trial Court ng Bacoor City, Cavite, “After a careful evaluation of the information, the Resolution, Investigation Data Form, the Complaint Affidavit of the complaining witness, and other pertinent documents, the Court finds probable cause to hold the accused for trial.
“Considering that the accused is at large, let a WARRANT OF ARREST be issued against him. He may apply for bail for his temporary liberty in the amount of PhP36,000.00.”
Na-isyu ang naturang order noong March 18 na nung araw na ‘yun ay nasa Hong Kong pala si Archie kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Sinubukan pa rin naming hingan ng pahayag si Archie, pero hindi siya sumasagot sa text.
Ilang malapit na kaibigan ng aktor ang nakiusap sa aming huwag na raw sanang isulat dahil sobrang apektado na raw ang asawa ni Archie, pati mga anak.
Hiningan din namin ng pahayag si Rita, pero minabuti muna nitong manahimik.
Nagpadala na lang sa amin ng statement ang legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
At bahagi nito “We just received via mail today the March 18 order of the court for the issuance of warrant of arrest.
“We hope for the immediate apprehension of the accused so the court can already acquire jurisdiction over his person and for the hearings to be started as soon as possible.
“In the end Rita just want to achieve the justice that she deserves.”
Nagpatulong na rin kami sa handler ni Archie sa Sparkle, pero napag-alamang wala na nga ang komedyante sa naturang talent arm ng GMA 7.
Wala na raw ang picture nito sa Sparkle wall ng GMA 7. Si Rita ay nandun pa at tuloy pa rin ang trabaho niya.
Sabi ni Atty. Maggie, hintayin na lang daw nila ang schedule ng pre-trial na kung saan ay magkakaroon ng arraignment kay Archie.
Rapists of Pepsi binago na ang titulo, ipalalabas sa streaming platform
Ang Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc. ni direk JR Olinares pala ang distributor ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
Nalaman namin ito sa media conference ng pelikulang Beyond The Call of Duty ni direk JR na collaboration sa film production ng dating Ilocos governor Chavit Singson.
Si direk JR Olinares din ang supervising producer ng Beyond The Call of Duty at nagpasalamat siya na nakipag-collab at namuhunan dito si Manong Chavit.
Doon sa mediacon ay ibinahagi nga ni direk JR na sila ang mag-distribute ng pelikula ni direk Darryl Yap na Pepsi Paloma na lang pala ang title. “Ako ‘yung tumanggap nung Pepsi Paloma, which is ako naman ay malinis naman din ang konsensya ko bilang distributor, although alam ko lahat sa mga news na tinanggihan na ng ibang mga ano.
“Pero sinubukan kong tanggapin, pero siyempre nagpa-follow pa rin ako sa rules nung MTRCB.
“Since sinabi ni MTRCB na kailangan kong ibigay ‘yung ganitong mga requirement, nag-comply ako — but may mga hindi pa na-comply na ibang requirements, kaya medyo ipinagpaliban ko muna iyon.”
Dagdag pa niyang pahayag : “‘Yung last namin na usap ni Direk Darryl, medyo wala pa raw balita sa certification sa Muntinlupa Trial Court, at saka doon sa prosecutor sa Muntinlupa,” saad ni direk JR.
Wala pa raw silang kasunod na hakbang dahil hinihintay na lang nila ang certification sa Muntinlupa Regional Trial Court, bago ito i-review ng MTRCB.
“Kasi, nung chineck namin sa legal team ng Pinoyflix, nabigyan kami ng isang certification, DOJ, na wala naman siyang kaso.
“Dalawa na lang ‘yung hinihingi ko. From Muntinlupa saka ‘yung sa prosecutor. Nung chineck namin, wala namang TRO ‘yung movie.
“So sa tingin ko naman, papayagan kung mabigay ‘yung tatlo, ‘yung requirements ni MTRCB,” saad ni direk JR Olinares.
- Latest