Hunk newbie, tuyot na ang hitsura
Napapansin ng ilang showbiz accla ang hitsura ngayon ng isang hunk newbie na kinahuhumalingan ng isang mayamang acclang personalidad!
Humpak ang pisngi ni newbie hunk at medyo pumayat! Nawala ang kakisigan nito kaya pinapirma agad ng kontrata ng isang network.
Agad umiral ang imahinasyon ng mga acclang showbiz na sey-sey na inaaraw-araw yatang simsimin ang katas niya ng accla niyang benefactor, huh!
Naku, mga acclang showbiz talaga! Ingggit lang kayo dahil napasakamay siya ng mayamang accla!
Arci, bitin ang panggo-good time
Pinaglaruan ni Arci Muñoz ang netizens sa nakaraang Instagram post na may picture ng batang babae! May bitin epek ang caption niya kaya anak ng singer-actress ang hula sa bata.
Last April 1 ang post ni Arci. Pero kahapon, agad sinabi sa post na pamangkin niya ang batang babae, huh!
Siyempre dismayado ang netizens sa paandar ni Arci at inisip na gimik niya ito dahil showing kahapon ang kinabibilangang movie na Sinagtala, huh!
- Latest