^

PSN Showbiz

Ronaldo, pinagpahinga na sa huling hantungan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ronaldo, pinagpahinga na sa huling hantungan

Nakaka-touch naman ang pinost ni Janno Gibbs sa pag­hatid nila sa amang si Ronaldo Valdez sa huling hantungan.

Magkasama sila ng kapatid na si Melissa sa paglagay sa pumanaw na beteranong actor sa kanyang resting place.

Dinala na raw nila ito sa isang columba­rium sa paboritong lugar nito. “You’re finally where you’ve always wanted to be Papa ! You are missed. You are loved. Always,” sabi ni Janno sa caption.

Hindi na raw binanggit ni Janno kung saan iyon pero may mga humula na sa Baguio iyon dahil lagi raw sinasabi ng mga ito na ‘yun daw ang paboritong lugar ng kanyang ama.

In fairness ang ganda ng columbarium at ang ganda pa ng view sa lugar ha.

Sana masaya na si Ronaldo kung nasaan man siya na hanggang ngayon ay marami pa rin ang nakaka-miss.

Nakakalungkot pa ring isipin na tinapos niya ang buhay niya at ‘di man lang nabigyang pansin ang depression niya dahil kilala siyang masayahing tao.

Rest in peace, Ronaldo.

Anyway, another boring day for me kahapon dahil dialysis ko. I am really getting tired na sa twice a week, four hours per session, na ginagawa ko.

Saka para na rin sa edad na 78 payag na akong magpahinga. Life was so good to me na pati pagkakasakit ko wala akong pain na nararamdaman. From where I started at saan ako nakarating talagang ang laki ng gratitude ko kay God.

And also ang suwerte ko na naging friends ko mga taong nagkaroon ng emotional attachment sa akin dahil mabait at mapagkakatiwalaan sila.

No regrets in my life, only gratitude. Kaya naman maluwag ang puso ko na iwan ang mundong ito. Peaceful exit ang gusto ko, no fuzz no nothing.

Praise God for being so good to me. For helping me all these years. And thanks to all the people who have shown me love.

God is always good, so good.

RONALDO VALDEZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->