Aliw ang TikTok video ni Heart Evangelista kung saan, tinanong ni Senate President Chiz Escudero kung bakit naka-mask siya ang aga-aga pa raw?
Sagot niya, “nagpapaganda lang ako” at sinundan ng may upcoming event siya kaya siya nagpapaganda.
Dagdag pa niya, “it’s part of my job,” sa binanggit ni Chiz na hindi lahat puro ganda. Sunod na tanong ni Chiz, paano raw nagpapaganda ang mask at sinagot ni Heart na “it’s collagen.”
Sa tonong naiirita, sabi ni Heart, hindi niya sasagutin ang irrelevant question na itatanong ng asawa. Tanungin daw siya ng nice question ni Chiz at sasagutin niya kahit ano.
Kaya, ginulat siya ni Chiz ng tanong kung ano ang value ng Pi at mabilis ang sagot ni Heart na sabi ng netizens, tama ang sagot nito. Kaya siguro ang lakas ng tawa ni Chiz at ang nasabi na lang at itsi-check niya.
Sa text overlay ng TikTok video ni Heart, nakasulat ang “Husband thinks puro ako ganda.” Pinatunayan nga naman nito na hindi lang puro pagpapaganda ang alam niya sa buhay at alam nga ang value ng Pi.
Ang Pi pala ay “mathematical constant, approximately equal to 3.14159, representing the ratio of a circle’s circumference to its diameter.” ‘Yung nakasulat na figure ang sagot ni Heart at tama siya, sabi ng netizens.
Hindi pa rin kumbinsido ang bashers ni Heart, scripted daw ang convo nila ni Chiz, pati ang tanong nito at sagot ni Heart.
Ang sabi na lang ng supporters ni Heart, mahirap pasayahin ang mga bitter basher ni Heart.
Ashley, makikipag-ayos sa nanay!
Nakapag-post na uli sa Instagram si Ashley Ortega pagkatapos niyang lumabas sa Bahay ni Kuya. Sa una niyang post, nagpasalamat ito sa supporters niya at nagulat na marami raw pala ang nagmamahal sa kanya. “Thank you for loving and accepting me for who I am. I can’t wait for what’s to come. Maraming salamat po Kuya, all my fellow housemates and to all who joined me in this journey,” post nito.
Ang positive nga ng comment sa kanya kahit ng mga Kapamilya fan. Proud daw sila sa Kapuso aktres at sayang na maaga itong na-evict dahil siya ang gusto nilang manalo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sabi pala ni Ashley, pupuntahan niya ang mom niya. “I’m gonna talk to her. Because of PBB, nagkaroon ako ng chance to reach out to her,” wika nito.
Ang co-evictee ni Ashley na si AC Bonifacio ay hindi pa rin nagpo-post at ang paniwala ng fans dahil sa nabasa raw nito ang maraming hate comments sa kanya habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Matteo, nakipagbatuhan ng birthday cake
Minasama ng ibang netizens ang pagbabatuhan ng cakes sa birthday ni Matteo Guidicelli.
Sayang daw ang cake na ipinambato lang gayung maraming bata ang umiiyak kapag wala silang cake sa birthday nila.
May nag-comment pa na sana sa mga batang hindi nakakatikim ng cake nila ibinato ang mga ‘yun.
May nagpahayag pa ng disappointment sa ginawa nina Matteo, ng dad niya at kapatid. May naawa naman sa maglilinis sa venue dahil ang dami raw lilinisin.
Nag-react ang fans niya sa pamba-bash dahil sa cake, hayaan daw mag-celebrate ng husband ni Sarah Geronimo kung paano niya gustong i-celebrate ang birthday niya.
Tungkol naman sa maglilinis sa venue, sa G Studio raw nina Matteo at Sarah ginawa ang birthday party ni Matteo and by now, nalinis na ito. March 26 pa kasi ang birthday ni Matteo.