KimPau movie, bantay-sarado ang kikitain sa takilya

Isa ako sa tumutok sa box-office result ng pelikulang My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino, na nagbukas na sa mga sinehan kahapon.
After lunch pa lang ay marami na ang nagtatanong sa akin kung nakamagkano na ang naturang pelikula.
Hindi pa gaanong matao sa first screening, pero as of 3 ng hapon ay halos P3 million na ito.
Inaasahang tataas pa ito pagdating ng gabi.
Sana nga malakas ang pelikulang ito na maabot man lang ang kinita ng Unhappy For You nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Nasa second quarter na kasi ng taon, wala pa talaga tayong nag-hit na pelikula sa mga sinehan.
Dito lang sa KimPau movie tayo umaasa dahil sa promo ng Star Cinema, at tinodo naman ito ng dalawang bida.
Pati fans nila ay kinakarir din ang pagpo-promote sa social media. Super trending sa X kahapon ang hashtag na #MLWMYDNowShowing at #KimPauMovieNowShowing.
Abangan natin kung hahataw pa lalo ito nang bonggang-bongga sa darating na weekend.
Jeric, ramdam ang sakit ng rejection ng ama ni Rabiya
Ang daming nakapansin na pagkaguwapo-guwapo ni Jeric Gonzales sa media conference ng pelikulang Fatherland na ginanap sa Manila Hotel noong nakaraang Martes.
Binati nga namin kung bakit lalo siyang gumuwapo, ano ang ginawa niya.
Nagpapayat lang daw siya, nagpa-fit pa raw siya lalo ng katawan para sa pelikulang ginagawa niya na The Graduation na ang producer din ng Fatherland na Bentria Productions.
Biniro namin na mukhang wala nang stress, dahil single na ba siya ngayon? “No comment po muna ako diyan. Gusto ko po muna mag-focus sa ano ko… hindi po muna makapag-comment dun,” napangiting sagot sa amin ni Jric.
Reliable naman ang nagkuwento sa amin na break na nga raw sina Jeric at Rabiya Mateo, pero ayaw na raw nilang magsalita.
Nasa Amerika pa ngayon ang beauty queen/actress kaya hindi naman siya makakapanayam.
Sabi naman ng aming source, nag-uusap naman daw ang dalawa, at nanatiling magkaibigan.
Kaya hiningan namin ng reaksyon ang Kapuso actor tungkol sa isyu ni Rabiya sa kanyang tunay na ama na isang Indian-American. Nasa Amerika si Rabiya at sinikap nitong makita ang kanyang ama, pero nabigo siya dahil hindi naman siya tinanggap. Tiyak na nasaktan daw ito dahil matagal na raw niyang pangarap na makilala nang personal ang tunay niyang ama. “Of course po kasi heartbreaking po ‘yun. Lahat naman po na anak gusto niyang mahanap ang tatay niya, lalo na si Rab,” pakli ni Jeric.
“Bata pa lang siya, umalis na agad ‘yung tatay niya. So, ayun po. To be rejected like that, sobrang sakit po na you know how she feels… hindi man lang niya nakausap, nakasama o nakita.
“Pinag-usapan po namin nyan before. Dream niya talaga ‘yan na makita ‘yung father niya sa US. Wala naman sa expectations na makasama niya or what. “Gusto lang niyang malaman kumusta. Gusto lang niyang makasama, makita,” mahabang pahayag ni Jeric.
Naka-focus daw muna ngayon sa trabaho ang Kapuso actor. Thankful siya sa Bentria Productions dahil sa binigyan siya uli ng movie project na siya ang bida.
Ang naturang film outfit ang nagbigay ng break kay Jeric na magbida sa isang pelikula, ang Broken Blooms na kung saan, nag-Best Actor ito sa ilang international film festivals.
Ngayon ay muli siyang susugalan sa pelikulang The Graduation na dinidirek ng dating sexy actor na si Dante Balboa.
Wala raw munang drama series ngayon si Jeric, pero gusto raw sana niyang mag-action.
Ang isa pa niyang dream ay sana makasali raw siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab.
- Latest