‘London made me tough’ – Bela

Nagbalik na sa Pilipinas si Bela Padilla pagkatapos manirahan ng apat na taon sa London. Ang mga kaibigan sa show business umano ang humikayat sa aktres na bumalik sa bansa. “Una si Kim (Chiu) noong 2023 pa lang sinasabi ni Kim, ‘Umuwi ka na, tigilan mo na ‘yang sabbatical (leave) mo.’ And then si Piolo (Pascual) started telling me when we were taping Pamilya Sagrado last year in February. He’s like, ‘Aren’t you coming home yet? You should come home na. Tama na ‘yan!’” nakangiting kwento ni Bela sa ABS-CBN News.
Maraming mga bagay ang natutunan ng dalaga dahil sa pananatiling mag-isa sa England. Para sa aktres ay mas tumatag siya ngayon dahil sa mga naging karanasan sa London. “Philippines made me soft. I was too comfortable here. I was getting everything I needed in life. Everything was handed to me. So, I decided to move to London. And then London made me tough,” makahulugang pahayag ng aktres.
Bukod sa pag-arte at pagiging TV host ay nakapagsusulat din ng mga magagandang kwento si Bela. Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa mga gumabay sa kanya noon sa paggawa ng script katulad ng mga direktor na sina Irene Villamor at Joyce Bernal.
Una raw nagtiwala sa istoryang naisulat ni Bela ang magkapatid na sina Malou at Charo Santos. “I have a lot to thank for kay Ma’am Charo and Tita Malou. They were the first people who bet on my scripts before anyone else produced my movies. The two of them sat down and read my script. My first full-length feature script was produced by Star Cinema under Malou Santos. They approved my first draft, walang rewrite, Last Night (2017) with Toni (Gonzaga) and Piolo (Pascual),” pagbabahagi ng dalaga.
Keanna, ayaw pumatol sa matanda
Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap daw ni Keanna Reeves na maging masaya ang kanyang buhay-pag-ibig. Ngayon ay 54 na taong gulang na ang komedyana at mas bata umano ang kanyang kasintahan. “Meron namang lovelife, at least hindi zero. Medyo (matagal na), tahimik lang. Okay lang naman pag-usapan pero respeto na lang sa kabila dahil baka hindi siya ready. Kasi ako raw parang sanay na ako sa mga issue naman, ma-misinterpret kasi kesyo mas bata siya,” pagtatapat ni Keanna.
Matatandaang naugnay rin noon ang sexy actress sa ilang mga nakababatang aktor. Para kay Keanna ay talagang gusto niyang makarelasyon ang mas nakababata sa kanya. “Siyempre, ano lasa no’n kung… siyempre gano’n pa rin. Do’n pa rin ako sa quality hinahanap. Do’n ako sa ‘yung may collagen,” natatawang pahayag ng komedyana.
Hindi raw pabor si Keanna sa isang relasyong nagkakaroon ng pisikal na pag-aaway. Naranasan na raw noong mabugbog ng aktres sa dating asawa. “Naku! Ako pioneer diyan. Kaya nga lumayas ako do’n sa ex-husband ko. Kasi bugbog girl na rin ako do’n eh. Kaya alam ko na ‘yung mga gano’n, hindi biro ‘yan. Ngayon, bago pa mangyari ulit ‘yon, ako muna. Unahan ko muna, jombagin ko muna siya,” masayang paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)
- Latest