Ivana, gustong pabalikin sa PBB!

Nakakatawa ang reaction ng fans sa pagyayaya ni Mavy Legaspi kay Ivana Alawi na bumalik sila sa Bahay ni Kuya. Nagyaya kasi si Mavy ng “Tara balik na tayo” na sinagot nito ng “G!!!” na ang ibig sabihin ay “Go.”
Mabait ang ibang fans kay Mavy, tulungan daw silang makabalik ang aktres sa Bahay ni Kuya na para bang may magagawa siya.
Kaya naman gusto ng fans na bumalik sa Bahay ni Kuya si Ivana dahil kay Dustin Yu. Nabitin ang kilig ng DusVan fans dahil kasisimula pa lang daw ng kilig nila, pinalabas na ni Kuya sa bahay si Ivana. Bale ba, walang komunikasyon ang dalawa dahil bawal sa loob ang phone.
Isa pang rason kung bakit gusto ng fans na bumalik siya sa PBB ay dahil nagsisimula na raw si AZ Martinez na magparamdam kay Dustin. Natatakot ang fans na baka ma-in love si Dustin kay AZ.
Inamin kasi ni AZ na crush niya si Dustin kahit may boyfriend siyang naghihintay paglabas niya sa Bahay ni Kuya.
Enrique, wala nang oras kay Liza?!
Ang daming projects na gagawin si Enrique Gil sa TV5 dahil sa pagpirma niya ng kontrata sa MQuest Ventures ni Mr. Manny Pangilinan. Sa rami ng naka-line up na gagawin ni Enrique, tila wala na siyang time gumawa pa ng pelikula o TV series kasama ang ex na si Liza Soberano.
Ang paglipat ni Enrique sa MQuest Ventures kaya ang dahilan kaya may lumutang na balitang hindi niya tinanggap ang offer ni Liza na collab project nilang dalawa? Kasi nga, multi-picture ang gagawin niya sa kumpanya ni MVP at magiging co-producer pa siya.
At hindi lang daw local movies ang gagawin ni Enrique, kasama rin ang international project. Bukod doon, may gagawin din siyang endorsements sa MVP Group of Companies, kaya magiging busy ang actor.
Alden, may planta na rin ng yelo!
Planta ng yelo ang bagong business ni Alden Richards, nakipag-partner siya kay Mr. Gerry Santos, owner ng Mr. Freeze Tube Ice Inc.
Inaabangan ng fans kung saan magpapatayo ng planta ng yelo si Alden.
Para sa nakararami, kahit saan pa ang planta ng yelo niya, susuportahan nila para maging successful ang bago niyang negosyo.
May mga pumuri sa business acumen ni Alden dahil alam kung ano ang kailangan ng tao at ngayong summer, marami ang maghahanap ng yelo. Dito pa lang, nakakasiguro na raw ang aktor na maganda ang balik ng ROI sa pinakawalan niyang pera.
May franchise rin si Derek Ramsay ng Mr. Freeze Tube Ice Inc., at nabanggit ni Mr. Santos sa isang presscon na maganda ang takbo ng franchise ni Derek.
Speaking of Alden, may tweet ito sa X na “No need to comment on my journey; just enjoy your own.”
Positive ang dating ng kanyang tweet, pero may basher siya na nag-comment na ilang araw na siyang nagpapapansin, palibhasa, laos na raw siya.
Nag-react ang fans ni Alden at binakbakan ang basher na walang nagawa kundi manahimik na lang. Sa rami ba naman ng nag-react, nataranta ang basher.
Anyway, waiting na ang fans niya sa pagrampa niya sa Bench Body Of Work Fashion Show sa Friday, March 21.
- Latest