Fake news kay FL, kinontra!
Sabi ng pari sa kanyang homily kahapon, “we are more than our political affiliations. At the end of the day, we are all Filipinos!”
Ang init na ng balitaktakan sa social media dahil sa paglilitis sa dating pangulong Rodrigo Duterte ng ICC sa The Hague, Netherlands.
Nagkaroon pa ng prayer rally noong Sabado na sinalihan ng mga maka-Duterte kasama ang mga prominenteng taong kaanib ng dating pangulo.
Okay lang kung maglalabas ng kanya-kanyang opinyon, pero ang kalaban lang dito ay ang fake news. Kaya huwag basta-basta magpapaniwala sa mga nakikita natin sa social media.
Sumabay sa isyu ni FPRRD ang tungkol kay First Lady Liza Araneta Marcos na ipinagkalat ng isang vlogger na na-detain daw ito sa America.
Pero nilinaw kaagad ng Malacañang na nakabalik na siya ng bansa pagkatapos niyang daluhan ang Manila International Film Festival sa Los Angeles, California.
Isa nga sa nagpatotoo na nandito ang First Lady sa bansa ay ang president ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce & Industry, Inc. o FFCCCII na si Dr. Cecilio Pedro.
Nakatsikahan namin si Dr. Pedro sa special screening ng pelikulang Ne Zha 2 na ginanap sa VIP Premier Cinema ng Fisher Mall noong Sabado, March 15. “Fake news ‘yan! Kitang-kita naman ninyo nandun din ako ‘no!” bulalas niya tungkol sa Unang Ginang.
“Ang ginawa namin sa Malacañang, nag-gather ang Chinese, entrepreneurs, pati ‘yung mga Taipan, to help clean up Pasig River. Very soon! We will clean up Pasig river, we will decorate Chinatown to make it the best Chinatown in the world,” sabi pa ni Dr. Pedro.
Bahagi raw ito ng pagdiriwang ng 50th anniversary ng Philippines-China Diplomatic Relations na kung saan ay magkakaroon sila ng malaking selebrasyon sa June 9.
Ito namang pag-sponsor nila ng highest grossing film na Ne Zha 2 ay ipagdiwang din ang Philippines-China Friendship and Cultural Unity.
Nagpahayag na rin ang FFCCCII president na itong nangyayari sa ating bansa ay ilan lamang sa challenges na hinaharap natin na kaya naman daw nating lagpasan.
JC, may tribute kay Jaclyn
Tuluy-tuloy na ngayon ang Puregold CinePanalo 2025 na nasa pangalawang taon na.
Napapanood ang pitong pelikulang kalahok sa Gateway cinemas na nagsimula noong March 14 at matatapos hanggang sa 25.
Dapat ay walo ito, pero hindi itinuloy ang documentary film ni Baby Ruth Villarama na Food Delivery na tumatalakay sa West Philippine Sea.
Chinese ang may-ari ng Puregold, kaya maaaring iniiwas na lang nilang maglikha pa ng isyu itong pagsali ng pelikulang ito ni direk Baby Ruth Villarama.
Sa Wednesday na ang awarding, at ang usap-usapang nasagap namin, matunog daw si JC Santos ng pelikulang Journeyman na kuwento ng isang boksingero na ginagampanan niya.
Tuwang-tuwa siya nang dinaluhan niya ang screening nito noong Biyernes na kung saan ay sinamahan pa siya ng kanyang asawa.
“Super proud ako sa lahat ng mga naging part ng pelikulang ito. And I knew that the hard work will pay,” saad ni JC.
Pinalakpakan ng mga manonood ang naturang pelikula, lalo na sa ending nito. “‘Yung ending ko po dito ay tribute ko kay Miss Jaclyn Jose,” sabi pa ni JC Santos.
- Latest