Korean actor na si Kim Soo Hyun tinututukan ang kalagayan, management team inaming nakarelasyon si Kim Sae Ron

Invested maging ang Pinoy fans sa kontrobersiya ng Korean superstar na si Kim Soo Hyun dahil sa pang-iintriga na siya diumano ang isa sa dahilan sa nangyari sa Korean actress na si Kim Sae Ron.
Nauna na ngang itinanggi ng kanyang management group na nagkaroon sila ng relasyon ng pumanaw na Korean actress, pero naglabas kahapon ng statement ang kanyang management team at inaming naging sila nga pero hindi noong minor pa ang namayapang actress katulad sa pinalalabas sa mga balita.
Bahagi ng statement nila na:
“We are sharing Kim Soo Hyun’s position on the recent reports from Garo Sero Institute.
“We have previously shared that a statement will be shared next week with concrete evidence to refute the claims made in their reports.
“However, Kim Soo Hyun showed sudden instability in his psychological health early this morning, so we are taking measures to make sure he is in complete stability. He has been suffering through extreme confusion and chaos due to Garo Sero Institute’s claims he was responsible for Kim Sae Ron’s sudden death. In addition, after their live broadcast ended on March 12, people in cars with cameras were waiting in the company’s parking lot and across the building’s main entrance. Also, around lunchtime on March 13, people holding cameras were loitering around the building, adding to the psychological pressure placed on Kim Soo Hyun.
“Please understand that we have released this urgent statement to reveal the truth on major issues. Even though this is different from our original plan, nothing else has priority over this, so we are sharing this statement even though there may still be some loose ends.
“They also released a lengthy statement confirming Kim Soo Hyun and Kim Sae Ron did date, but only when she was an adult.
“Kim Soo Hyun and Kim Sae Ron were dating between the summer of 2019 and fall of 2020, after she became an adult. It is not true that Kim Soo Hyun dated her when she was a minor. Kim Sae Ron’s photo that she uploaded on March 24, 2024 on her Instagram story and the photo that Garo Sero Institute shared on March 11, 2025 were private images taken by the two in the winter of 2020 when they were dating [T/N: Gold Medalist has since clarified that when they said Winter 2020, they meant between January and March 2020]. The clothes Kim Sae Ron was wearing at the time were released in June 2019 by the brand, so Garo Sero Institute’s claim that the photo was taken in 2016 when Kim Sae Ron was a minor is impossible.”
Ayon pa sa kanilang statement ang sulat ni Kim Soo Hyun na kumalat sa social media kay Kim Sae Ron habang siya ay nasa militar ay isa lamang sa mga liham na ipinadala niya sa kanyang malalapit na kaibigan.
Tulad daw nung makikita sa nilalaman ng liham, si Kim Soo Hyun ay nag-a-adjust pa sa military at ginamit ang sulat na ‘yun upang ipaalam sa kanyang malalapit na kaibigan ang tungkol sa kanyang pang-araw-araw na buhay sa militar. At ang word daw na “I miss you” ay isang expression lang na ginagamit ng mga sundalo sa kanilang malalapit na kaibigan.
Katuwiran pa nila na sinasabi ng Garo Sero Institute na ang dalawa ay nagde-date mula noong 2015, gamit ang mga larawan na kuha ni Kim Sae Ron na nasa hustong gulang at hindi noong menor de edad pa ang nasirang actress.
Ginamit lang daw ng mga nagbunyag ang postcard na ipinadala kay Kim Sae Ron matapos mag-date ang dalawa para palakasin ang kanilang sinasabi na isang love letter ang sulat na ‘yun.
Napakarami raw batikos ang ibinabato kay Kim Soo Hyun tungkol sa kanilang naging relasyon kahit na raw ang nasabing relasyon ay isang pribadong bagay.
Masakit daw ito at seryoso para sa Korean actor na paborito ng maraming Pinoy fans.
Pero ang dami raw maling impormasyon at binabaluktot na ang katotohanan at ginagawan na lang mga kuwento na base lang sa mga larawan at limitadong impormasyon.
Parang mas grabe nga ang intrigahan sa Korean celebs.
Dito nga sa atin, cyber libel ang katapat ngayon na mas mabilis pala ang process kesa sa traditional libel na umaabot ng sampung taon sa korte.
Anyway, majority talaga ng mga tao ngayon invested sa mga nagaganap na intriga sa mga celebrity o kahit sa mga pulitiko.
Ito lang pagkakaaresto kay former president Duterte ang daming naging mga abogado.
Ang latest kahapon, hindi diumano mag-iisa ang dating presidente ng bansa sa loob ng International Criminal Court (ICC) Detention Center sa Netherlands habang nahaharap siya sa mga paglilitis para sa mga krimen laban sa sangkatauhan dahil sa kanyang madugong giyera kontra droga.
Ang nasabing detention ay malapit daw sa Scheveningen Beach sa The Hague at makakasama ng dating pangulo ng Pilipinas ang limang iba pa.
Talagang matinding drama sa totoong buhay ang nagaganap sa ating bayan sa kasalukuyan.
- Latest