^

PSN Showbiz

Collab ng PBB Celebrity Collab Edition, pipili ng dalawang big winner

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Collab ng PBB Celebrity Collab Edition, pipili ng dalawang big winner
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

MANILA, Philippines — Nagkasama-sama na nga sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga Sparkle artists at Star Magic talents para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. At kagabi nga lang ay nalaman na nila ang biggest pasabog ni Kuya, ang dahilan kung bakit ito naging Collab – dahil ngayong season ay isang Kapuso at isang Kapamilya ang magi­ging magkakakampi sa lahat ng tasks, magiging nominado at magiging evicted housemates.

Kakailanganin nilang maging isang DUO. Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon, dalawang Big Winner ang tatanghalin sa PBB!

Nag-team up na nga sa loob sina Ashley Ortega at Ivana Alawi, AZ Martinez at Esnyr, Will Ashley at River Joseph, Josh Ford at Kira Balinger, Charlie Fleming at AC Bonifacio, Dustin Yu at Klarisse De Guzman, Mika Salamanca at Ralph De Leon, at sina Michael Sager at Brent Manalo.

Napapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition gabi-gabi 10:00 p.m. sa GMA Prime at 6:15 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend. Mapapanood din ang All-Access Livestream via GMANetwork.com at iWantTFC from 8 a.m. –12mn.

Olsen’s Day ni Khalil Ramos, kasama sa CinePanalo 2025

Bibida muli si Khalil Ramos sa pelikulang Olsen’s Day na isa sa mga official entry sa 2025 Puregold CinePanalo Film Festival na gaganapin ngayong March. Ang pelikula ay sa direksyon ng batikang filmmaker na si JP Habac, kilala sa kanyang matagumpay na pelikulang I’m Drunk, I Love You.

Makakasama ni Khalil dito ang batikang aktor na si Romnick Sarmenta.

Ang Olsen’s Day ay kabilang sa Puregold CinePanalo Film Festival at mapapanood na simula March 14 sa mga sinehan.

PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with