Alden, gustong pabagsakin?!

Naawa naman ako na naririnig ko na merong nagsasalita ng masakit laban kay Alden Richards.
Isa si Alden sa magalang at marespeto na tao na nakilala ko. At para ngang too sweet to be true.
Sana naman makita ng lahat ang mga kabutihan ni Alden para malaman nila gaano kabait at ka-sweet na tao si Alden.
Buti na lang at may mga taong loyal talaga kay Alden.
Kawawa naman kung walang tao sa tabi ni Alden sa mga panahong merong hindi nakakaintindi sa kanya.
Kahit pa nga alam nating you can never put a good man down, mahirap pa ring walang sandalan si Alden.
Don’t worry, Alden, kahit ano pa gawin nila, basta alam mo ang totoo hindi ka nila maidadapa.
Sofia, kasal na raw!
Kasal na raw si Sofia Andres sa partner niyang si Daniel Miranda?
Sinagot daw nito ang komento ng isang netizen na nagsabi sa kanya na sana raw ay pakasalan na siya dahil deserved daw nitong ikasal sa simbahan.
Sagot niya ay sino raw ang nagsabing hindi pa siya kasal.
Bongga kung pinakasalan na siya ng tatay ng anak nilang si Zoe ha.
Mukhang nabuwisit na siya sa paulit-ulit na tanong sa kanya.
Pero nakaraang taon lang sinabi pa raw nito kay Karen Davila na kasal man o hindi ang magkarelasyon ay hindi masasabi kung kayo talaga sa huli.
Ibig sabihin kaya ay bagong kasal lang sila?
Kung kasal nga sila, bakit parang wala siyang suot na singsing.
Well, ano pa man ang rason ay bahala sila. Ano nga ba pake ko sa kanila ‘di ba.
‘Kaloka.
- Latest