^

PSN Showbiz

Showbiz, invested din kay Digong!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Pati showbiz ay involved na rin sa mainit na pinag-uusapan ngayonsa social media na pagkahuli sa dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kanya sa The Hague, Netherlands.

May kanya-kanyang opinyon, may hanash at nagbabalitaktakan na ang iba.

Nadamay pa si Vice Ganda nang may magpakalat ng post daw nito sa X na nagbigay ng opinyon pabor sa dating Pangulo. Pero kaagad na kinontra ito ng mga follower niya.

Ipinost ito ni Vice Ganda at nilinaw niyang hindi niya ‘yun statement. Kung puwede raw i-report.

Pati nga sa radio program namin sa DZRH ay tungkol pa rin kay Digong ang mga komento ng mga tao. Hanggang sa programa namin ay nakatutok pa rin sa pagkaaresto.

Nandun si Vice President Sara Duterte sa labas ng Villamor Airbase pero hindi siya pinayagang makapasok at wala raw siyang kaalam-alam kung ano ang kalagayan ng kanyang ama sa loob ng eroplano.

Hindi rin daw sila gaanong magkaintindihan ng kanyang ama nang mag-usap sila sa telepono dahil nawawala-wala raw ang signal. “Binigyan ko siya ng instructions galing sa abogado at sinabi niya sa akin na umuwi na lang daw muna ako. Pero sinabihan ko siya na kailangan ko rin na i-meet ‘yung mga abogado niya kung saan man siya pupunta,” dagdag niyang pahayag.

Para kay VP Sara, pamumulitika lang daw ito.

“Nahihiya ako bilang isang Pilipino sa nangyayari sa ating bayan ngayon,” saad ni VP Sara Duterte.

Kahapon ng umaga ay lumipad na rin si VP Sara patungong Amsterdam, Netherlands.

Magkahiwalay sila ng biyahe ni Cong. Paolo Duterte.

Ang bunsong anak ng dating pangulo na si Kitty ay nagpakita ng katapangan na nakunan pa itong minumura niya ang isang general.

Ina-update niya sa kanyang social media account ang kalagayan ng kanyang ama na dumating sa Dubai kahapon ng umaga at diretso na sa Netherlands.

Nag-trending din siya kahapon dahil sinasagot din siya ng mga netizen sa bawat post nito.

Ang isa pang anak ng dating pangulo na si Mayor Baste Duterte ay naghain ng writ of habeas corpus para sa agarang pagpapauwi at pagpapalaya sa kanyang ama.

Glaiza, handa nang pabuntis sa mister

Naging emotional si Glaiza de Castro sa media conference ng pelikula nilang Sinagtala na nakatakda nang mag-showing sa mga sinehan sa April 2.

First love rin kasi talaga ng Kapuso actress ang music kaya sobrang lapit daw sa kanya ang pelikulang ito na kung saan tumatalakay sa kuwento ng isang banda na tinawag nilang Sinagtala.

Si Glaiza ang band leader nila sa pelikulang ito na nilinaw din sa amin ng direktor na si Mike Sandejas na hindi lang ito basta musical, kundi may kanya-kanyang drama ang bawat karakter dito na ginagampanan nina Rhian Ramos, Arci Muñoz, Rayver Cruz at Matt Lozano.

Napaluha si Glaiza nang mapag-usapan ang impluwensya ng musika sa kanilang buhay. “Hindi ko alam talaga kung anong meron sa pelikulang ito at napaka-emotional. Pero ayun nga, dahil siguro maraming mga element ng movie na ‘to na talagang nakaka-relate ako. Kasi katulad ni Rhian, musical talaga is outlet po talaga sa akin,” pakli ni Glaiza.

“Sobrang grateful ako na sa industriya na ‘to, nakakagawa ako ng kanta, na-share ko rin sa mga followers ko. Pero hindi rin po talaga ako ng tipo ng tao na bumibirit e. Ang dami ko ring insecurities pagdating sa boses ko, kaya kong gawin as a singer. Pero dahil nga mahilig kami sa pamilyang kumanta at bata pa lang ako ay na-train na akong kumanta. Parang feeling ko lang… dumating na rin ako sa age na niyakap ko rin ‘yung boses ko.

“And through this film parang nagkaroon ako ng bagong purpose sa life as a band leader. Wow!” mahabang paliwanag niya.

Biniro ko siya na kaya siya naging iyakin at baka hindi siya aware buntis na siya. Hindi pa raw sabi ng singer/actress. Baka raw nag-PMS na siya o pre-menstrual syndrome.

Sa totoo lang, gusto na rin daw ni Glaiza na magka-baby sila ng asawa niyang si David Rainey. “Ready na kami. Pinagpi-pray lang namin kung kailan,” bulalas niya.

“Isa ‘yan sa hinihiling ko rin kay Lord. Pero kung kailan Niya ibigay. Ayoko naman din i-pressure ‘yung sarili ko, i-pressure kaming dalawa ni David. Kasi ang hirap din ng sitwasyon namin na paganun-ganun din kami. Pero nananalig ako na kapag dumating ‘yun, si Lord ‘yung nagbigay nu’n.

“Siya ang nakakaalam kung kailan darating ‘yung order ko,” sabi pa ni Glaiza de Castro.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with