Ang Past at Present namin ni Ivana Alawi
10 years ago na-ging talent namin ni Sir Joey De Leon sa Wow Mali sa TV5 si Ivana Alawi. (iba pa name n’ya nun!) Bagets na bagets pa siya at hindi pa sikat. (Parang mas sikat pa ako. chos!) Coffee shop ang set up namin at kunwari ay barista namin siya. Naalala ko, may isang eksena na kunwari ay maghuhubad si Ivana habang nakatakip ng towel. (bakit ‘di ako ang pinaghubad?!) Naramdaman kong medyo ‘di siya komportable. Kaya sabi ko, huwag siya mag-alala at aalalayan ko siya dun sa towel. (Bilang naka strapless shirt naman sya sa loob ng t-shirt, at ‘di talaga mag-nude!) Naitawid naman namin ang segment. (At ‘yan ‘yung photo na nakatakip kami ng towel!)
Hindi nagtagal sa show si Ivana, dahil kinailangan na niyang sumalang sa Starstruck ng GMA7, hanggang sa maging artista na siya at ngayo’y isa na sa pinakasikat at pinakamayamang content creator. (Habang ako, pinaka-maganda sa lahat!)
Hindi na nagkrus ang landas namin ni Ivana simula nang makasama ko siya sa show. (baka iniiwasan ako?!) Hanggang sa makatanggap ako ng invitation kamakailan mula sa kanyang management team para sa kanyang Thanksgiving party. (Unless nagkamali lang sila na maisama ako!) Hindi na ko nag-feeling close sa kanya pagdating ko. (Ang gusto ko lang manalo sa raffle! Wagi naman ako!) Pero habang nasa gilid ako, pinansin niya ako at sinabing: “Hello Mr. FU! Nagkasama na tayo dati!” Syempre sumagot naman ako ng: “Oh yes! Naman! Dahil dyan mag-selfie tayo!” (Wala na syang nagawa!)
“Marami akong gustong ipagpasalamat pero kung meron man akong isang bagay na gustong ipagpasalamat is ‘yung pagmamahal sa akin. I’m very thankful for that.” Paglalahad ni Ivana. (thank you rin at naalala mo ko kahit mas maganda na ako ngayon!)
Aminado si Ivana na ‘di biro ang maging content creator nga-yon: “Mahirap maging content creator because you keep thinking of your next content. Wala akong team na nag-iisip para sa’kin. Ako lang lahat.“ (Help kita girl, bet mo?!)
Tuloy-tuloy rin ang trabaho sa showbiz, kaya dedma raw siya sa love life.
“May gagawin kaming teleserye. May movie rin this year. ‘Yung love life saka na ‘yun. Work muna.” (Ireto mo sakin mga manliligaw mo!)
Ilang kandidato na rin ang gusto siyang kunin sa kampanya para sa nalalapit na eleksyon pero sa nga-yon, ang Agap Party list ang kanyang sinusuportahan.
“Napaka-arte ko at choosy ko pagdating sa pulitiko. Hindi naman ‘yan para sa akin or ikakaganda ko or para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas. You have to be picky.” (Ako sa boys picky!)
Hindi rin naiwasang pag-usapan ang kumalat na hula ng isang psychic tungkol sa kanyang kalusugan. “Walang katotohanan na magkaka-cancer ako sabi sa Youtube. ‘Yung mama ko ang nag-alala roon. Sabi ko, mama, kalma. Wala namang makakapag-predict kung kelan ka mawawala.Lahat naman tayo darating doon. Ang nakakaalam lang ay ang Diyos. (Very true! May nabibiling plaster sa bibig!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest