^

PSN Showbiz

Patrick at misis, ikakasal ulit

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Patrick at misis, ikakasal ulit
Patrick Garcia at Nikka Martinez.

Magkakaroon ng bonggang kasalan sa ­Boracay island bago matapos ang buwang ito.

Magkakaroon ng renewal of vows sina Patrick Garcia at Nikka Martinez.

Sampung taon na pala silang mag-asawa kaya napag-isipan nilang mag-renew ng kanilang wedding vows.

Hindi pa namin nakuha ang ibang detalye, pero very intimate lang daw ang selebrasyong ito, na kung saan pamilya at close friends lang ang gusto nilang maging bahagi.

Imbitado kaya ang mga taga-Tabing Ilog?

Kaya tinanong ko si Paolo Contis kung invited ba siya.

Ayaw niyang kumpirmahin sa akin.

Hindi raw niya alam kung puwedeng sabihin, kasi parang gusto lang daw ni Patrick na tahimik lang ito.

Kaya feeling ko, invited siya.

Malamang kasama rin dito ang manager ni Patrick na si Noel Ferrer, kaya tinanong ko rin siya.

Ayaw daw niyang manggaling sa kanya. Kaya mukhang very intimate lang talaga ang kanilang pag-iisang dibdib uli.

Close kasi si Patrick sa mga taga-Tabing Ilog lalo na sina John Lloyd Cruz at Paolo, pati sina Kaye Abad, Baron Geisler, at Jodi Sta. Maria.

Kaya gusto namin malaman kung dadalo ba sila.

May pelikula sina Patrick, Paolo, at Kaye, ang ConMom, kaya mas naging close sila.

Magsisimula na rin silang mag-promote nito dahil napo-post na ng Mavx Productions na abangan ito.

Pero kung may Summer MMFF, baka isasali nila ito.

Lately din ay madalas na nakikitang magkasama sina Paolo, Patrick at John Lloyd. Mukhang may binubuo silang show, pero wala pang kumpirmasyon ito.

Mavy, pinapasok sa PBB

Parang medyo na-disappoint kami ng slight sa rating ng pilot episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab na nagsimula noong Linggo, March 9.

Nag-trending ito hanggang kahapon at mukhang tinututukan talaga, kaya malakas siya online. Pero pagdating sa free TV, hindi ito ganun kalakas. Naka-8.6 percent lang ito at sumunod ang Bubble Gang na naka-9.7 percent.

Tig-pitong stars ng Star Magic at Sparkle ang ipinasok sa Bahay Ni Kuya, na sina Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, at Mika Salamanca. Bandang huli ay ipinasok si Michael Sager.

Sa Star Magic naman ay sina Kira Ballinger, AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, Klarisse de Guzman, River Joseph, at Ralph de Leon.

Ipinasok na rin si Ivana Alawi na ang task ay papaniwalain ang mga housemate na housemate rin siya.

Hanggang kahapon ay pinag-uusapan ito online, at ayun na nga hindi na maiwasang ikinukumpara ang mga talents ng dalawang talent management group ng GMA 7 at ABS CBN.

Kaagad napansin ang pagiging cute ni River Joseph at ang daming nagko-comments na kinikilig sila sa naturang aktor.

Ang mga nasa Gen Z ay nagtaka bakit tinapos na raw ang online show nina Esnyr at Brent Manalo na High School TOTGA, kasi nga ipapasok na nga pala sila sa PBB. Hit pala ang show na ito sa You Tube.

Nasilip namin kahapon na nasa loob na rin si Mavy Legaspi. So, ano kaya ang magiging drama nila ni Ashley Ortega?

Kapansin-pansin doon sa loob ng Bahay ni Kuya ay ang daming product intrusion.

Sabi nga ni Alexa Ilacad, ang dami nga raw products na gustong mag-sponsor, kaya dapat na consistent itong mag-hit para maganda ang exposure nila.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->