Moira, inaaway si Regine?!

Nakakaloka naman na hindi pa rin tapos ang intriga kay Moira dela Torre at ngayon ay kumakalat namang in-elbow raw ito sa ASAP 30.
Sinasabing hindi raw diumano ito inimbita sa ika-30 selebrasyon ng programa kung saan nagkaroon ng homecoming ang mga artist nila dahil hindi raw sasama ang ilan sa mga ito kung naroon siya.
Sinabihan pa raw diumano nito na tili nang tili si Regine Velasquez at kung anu-ano pa na kung totoo man nga ay nakakalokang marinig.
Nakakalungkot naman na ganun kalala ang galit sa kanya ng mga nakatrabaho niya kung hindi iyon fake news ha.
Ang mas nakakaloka ay parang nadadagdagan ang mga artistang involved sa diumano’y bad attitude niya.
Pati ang misis ni Ogie Alcasid ay nadamay pa sa paninira diumano niya ha.
Naku sa rami ng loyal supporters ni Asia’s Songbird talagang binanatan siya ng mga ito kahit wala pang proof.
Kung totoo man ang paninira niya kay Regine, naku siguradong tinawanan lang siya nito at naloka.
Wala nang dapat patunayan si Regine sa narating niya kaya siguradong dedma lang siya.
Well, isa lang ang lesson diyan. Mahirap na magtiwala ngayon at mag-iingat na sa pag-share.
Lumalabas kasing mukhang meron siyang kaibigan na nag-ispluk ng mga sinabi ng singer at ikinalat sa mga taong involved.
Magaling pa naman magkonek-konek ngayon ang mga marites.
Itinanggi niya kamakailan ang pagbato sa kanya ng bote ng mineral water at pag-iyak niya habang nasa isang mall show siya pero wala siyang binanggit tungkol sa ibang mga paratang sa kanya.
Kung totoo lahat ng iyan, hindi bongga.
- Latest