Barbie, natakot mag-isa
Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Barbie Forteza na magbiyaheng mag-isa sa ibang bansa. Masayang karanasan para sa Kapuso actress ang kanyang naging bakasyon sa South Korea kamakailan. “Sobrang sarap, first solo travel ko. Nakakatakot lang siya sa umpisa pero masaya siya. Mahilig din talaga ako sa pagkain nila. Ang sarap din ng weather doon, na-enjoy ko,” pahayag ni Barbie sa YouTube channel ni Ivana Alawi.
Kahit sa Pilipinas ay madalas umanong magsolo ang dalaga sa kanyang mga ginagawa. Kapag walang trabaho ay talagang lumalabas na mag-isa ni Barbie. “Nagme-me time ako, kapag nagka-café hopping ako, ako lang talaga mag-isa. Choice ko talaga ‘yon,” giit ng aktres.
Samantala, mahigit labinglimang taon nang aktibo sa show business si Barbie. Mula pagkabata ay talagang pinangarap na raw ni Barbie na maging isang artista. “Medyo nawiwili ako manood ng TV, parang gusto ko rin pumasok sa TV. Tapos ‘pag ako lang mag-isa, nagpa-practice ako umiyak sa salamin. Gusto ko talaga, gusto kong umarte. Gusto kong makatrabaho ‘yung mga idol ko. Kaya ngayon nakakatuwa kasi kilala na nila ako. Tapos ‘yung iba nire-recognize ‘yung trabaho ko so sobrang fulfilling ‘yon para sa akin,” kwento ng dalaga.
Bianca, binabalanse ang bashing
Malaki na ang ipinagbago ng content creation sa nakalipas na dalawang dekada para kay Bianca Gonzalez. Isa ang TV host sa mga naunang content creator noon. “2003 ako nagsimula ng mga blog dati. May mga diary ka lang online. Ngayon ibang-iba na, parang pwede ng isang buong business ang social media ng isang tao. Trabaho na talaga siya bilang creator or influencer. Dati wala namang gano’n, sulat-sulat ka lang, picture-picture ka lang, post,” paglalahad ni Bianca sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
Hindi na bago sa TV host ang pagkakaroon ng online bashers. Nasanay na lamang umano si Bianca sa mga mapanirang salita mula sa netizens sa mga dekadang lumipas. “Ngayon nagbabasa ako ng tweets. Lahat binabasa ko, hindi ako nagba-block. Kasi gusto kong balance ‘yung maganda kong mababasa at do’n sa hindi kagandahan. Kasi minsan naman meron silang mga punto na ‘ah, oo tama nga siya.’ Meron ding galit lang,” pagtatapat niya.
Noong isang taon ay ipinagdiwang ni Bianca ang kanyang ika-dalawampung taong anibersaryo na pagiging host sa telebisyon. “Wow! Feels so surreal to even type that out. And what a way to celebrate my two decades, having one of the busiest years I’ve had on TV. If there’s anything that 20 years of being a host has taught me, never stop learning, growing and listening,” nakangiting pahayag ng TV host. (Reports from JCC)
- Latest