Judy Ann, Best Actress sa Fantasporto Filmfest

Magandang souvenir ang maiuuwi ni Judy Ann Santos mula sa Portugal kung saan ay dinaluhan niya ang 45th FantasPorto International Film Festival sa Porto City.
Kasali ang pelikulang Espantaho at nagwaging Best Actress si Judy Ann sa Interntional Fantasy Jury Awards.
Sa pagkakaalam namin, may iba pang pelikulang kalahok, pero itong Espantaho ang napansin dahil sa galing ni Juday bilang lead actress sa pelikulang ito.
Pangalawang Pinay actress siya na nanalo sa international filmfest na ito, nauna na rito si Barbie Forteza mula sa pelikulang Laut noong taong 2016.
Nasabihan na yata ang production na wagi si Juday kaya pinakiusapan itong dumalo sa Portugal. Pero wala siyang kaide-ideyang panalo siya.
Kaya ang sabi niya magandang souvenir itong dala niya pabalik ng Pilipinas.
Sabi niya sa kanyang acceptance speech, “I would like to thank the Jury of Fantasporto for the recognition.
“It is with great pride and honor that I am here to represent my country which is the Philippines.
“I would also like to share this award to my director Chito Roño, our writer Chris Martinez and my producer Atty. Joji (Alonso), and of course to Espantaho team, and to my husband and my three children. They’ve always been my inspiration in every project that I make.
“Porto is such a beautiful city. I’m just so happy that I’m bringing home the best souvenir.”
Sinamahan ni Ryan Agoncillo si Judy Ann sa Portugal at siyempre proud ang Eat Bulaga Dabarkad na nagwaging best actress ang kanyang asawa.
Ipinost din niya ito sa kanyang Instagram account na ang nasa caption nito, “Happy to be here (heart emoji)” habang hawak ng misis ang Best Actress trophy.
Natuwa naman si Judy Ann dahil nagkaroon pa siya ng pagkakataong makatsikahan ang mga kababayan nating matagal nang naninirahan doon sa Portugal at talagang nagsadya para makita roon ang aktres sa special screening ng pelikulang Espantaho.
Marami pa palang international film festival ang sasalihan ng naturang pelikula. Hindi lang daw puwedeng ma-disclose dahil dapat ang organizers ang unang mag-announce.
MIFF, hindi na makakaulit sa MMFF?!
Natatawa kami sa ibang kaibigang kararating lang ng Maynila mula sa Los Angeles, California na kung saan ginanap ang pangalawang Manila International Film Festival. Talagang nag-effort pa sila sa pagpapaliwanag sa amin kung sino si Monty Manibog na ipinangalan sa kanya ang Lifetime Achievement Award na iginawad kina Boots Anson Roa-Rodrigo, Ricky Lee at Mother Lily Monteverde.
Sabi ng friend namin na talagang tumutok sa MIFF, itong si Monty Manibog daw ang first Filipino American at First Asian American na elected sa city council noong 1972 at naging mayor sa Monterey Park, California. Siya raw ay dating Philippine national wrestling gymnastic champion na nag-represent ng ating bansa sa 1952 Summer Olympics sa Helsinki, Finland.
Malaki ang naiambag niya sa Filipino community sa America. ‘Yun nga lang, walang konek sa ating movie industry. Pero okay na rin kung isinama siya sa pagpaparangal na ‘yun dahil ang anak niyang si Liza Manibog-Liew ang isa sa organizers nitong taunang MIFF.
Kinorek niya kami sa isinulat naming walang katao-tao sa screening ng Green Bones, kahit libre pa ito.
Mas marami naman daw ito kesa sa Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino na wala raw talagang nanood.
Kaya raw hindi ganun kalakas sa mga screening dahil nagkakaroon daw ng overlap sa screening. Kaya kailangang mamili ng mga tao kung alin ang i-prioritize nilang panorin.
Bukod pa riyan, mula Martes hanggang Biyernes lang daw ang filmfest na may trabaho ang karamihan kaya marami pa rin talaga ang hindi nakapanood.
Kahit nga raw ang Hello, Love, Again nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay parang 15 lang daw ang nanood dahil matagal na rin kasi itong ipinalabas sa California.
Pero ewan ko lang kung makipag-coordinate pa ang Metro Manila Film Festival dito sa MIFF dahil sa hindi maayos na sistema ng mga nag-organize.
Hindi na sila natuwa nung unang MIFF, naulit na naman ngayon.
Kaya may mga nagsasabing baka hindi na talaga sila makakaulit sa MMFF at MMDA.
Ang mangyayari niyan, talagang hiwalay na sila at wala nang kinalaman diyan ang susunod na MMFF.
Ang huling event doon ay noong Sabado ng gabi, ang Konsiyerto Para sa Filipino na in-organize ng MMFF at MMDA na kung saan ay nag-perform sina Jaya, Jed Madela, John Arcilla, Joey Albert, Junior New System at ang bida ng My Love Will Make You Disappear na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
- Latest