^

PSN Showbiz

Sexy starlet, buntis daw sa pulitikong kontrobersyal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Patuloy pa ring pinag-uusapan sa showbiz at sa political beat ang nangyaring pagsugod ni misis sa isang bahay sa isang sosyal na subdivision kamakailan lang.

Itong bahay na sinasabi ay doon daw nakatira si sexy actress kasama ang mister nitong si misis.

Kilala raw sa pulitika itong si mister at matagal na palang napabalitang may karelasyong sexy actress.

Kasi naman sabi ng ilan sa napagtanungan namin, last year pa raw naghiwalay ang mag-asawang pulitiko.

Nagulat na lang isang araw si misis nang makarating na sa kanyang nag-file ng annulment si mister, na ikinagalit daw ni misis.

Naging seryoso na kaya sina mister at si sexy actress sa kanilang relasyon kaya tuluyan na itong nakipaghiwalay sa kanyang misis?

Pero kumakalat na ang isyu at kung anu-anong kuwento nang naglabasan.

May tsismis na ang duda raw nila ay nagdadalangtao na si sexy actress, pero ang sabi naman ng ilang katrabaho nito, parang hindi naman daw.

Tahimik lang daw itong si sexy actress at hindi raw nito sinasagot ang text at tawag ng ilang kaibigan.

Basta ang bongga lang daw ngayon ng buhay ni sexy actress at nakapagpundar na siya ng negosyo.

Pero tingnan natin kung ano ang kahihinatnan nito dahil mukhang hindi matatahimik si misis at baka may pasabog pa itong gagawin.

May ilang malalapit na kaibigan ni misis na naaawa na sa kanya, dahil pinagtatawanan na raw ito ng ibang malapit kay mister dahil sa ginagawa niya.

Direk Lino, walang planong sumuko!

Tuloy ang laban sabi ni direk Lino Cayetano pagkatapos ini-reverse ng Regional Trial Court ang desisyon ng Municipal Trial Court na residente sila ng asawa niyang si Fille Cayetano ng first district ng Taguig-Pateros.

Iaapela nila ito at patuloy raw sila sa pakikipaglaban, lalo na’t nakikita nila ang kanilang mga supporter na naniniwala sa kanilang adhikaing magsilbi sa mga taga-Taguig-Pateros.

Bahagi ng statement na ipinost ni direk Lino sa kanyang Instagram account, “I believe that truth and democracy will prevail.

“The residency issue, as well as other personal attacks, has also been the subject of fake news and black propaganda that has been spreading around Taguig in recent weeks. I appeal to our fellow citizens to remain discerning and not be swayed by misinformation.

“We remain steadfast in our belief that democracy will ultimately prevail. We will exercise our right to appeal this decision, confident that the truth will shine through and that justice will be served.”

Nagpasalamat na rin si direk Lino sa lahat na sumusuporta at naniniwala sa kanilang ipinaglalaban.

Sa nakaraang interview ni Toni Gonzaga kay direk Lino, naging emotional ito nang mabanggit ang kanyang ina na ‘yun na ang kanyang takbuhan sa ngayon.

Tinanong sa kanya kung ano na lang ang ipinapayo sa kanya sa gitna nitong isyung ito lalo na sa kanyang kapatid na hindi sumuporta sa kanyang ipinaglaban.

“Ang sabi niya in a relationship there always has to be a hero. So sabi niya, so be the hero. Be the one who’s kind ‘yun…

“It’s good advice. Puwede naman tayong palaban, puwede namang may sabihin tayong masama, pero puwedeng sisihin ko sila, puwedeng sagutin ko ‘yung masama kong naririnig. Pero I think the best thing is what my mom told me; is what parents often tell their kids –be kind,” madamdamin niyang pahayag.

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->