^

PSN Showbiz

Belle consistent ang kabaitan, fans swerte

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Belle consistent ang kabaitan, fans swerte
Belle Mariano

Ang bongga naman ni Belle Mariano na nagpadala agad ng mensahe kay Robi Domingo nang pagbantaan ito ng isang fan.

Nagulat daw ang Pinoy Big Brother host nang makatanggap siya ng mensahe kinabukasan mula sa ka-loveteam ni Donny Pangilinan.

Kinumusta raw pala nito agad si Robi at nabaitan nga sa kanya ang TV host.

Siniguro raw nito na hindi raw ipapaha­mak ng kanyang “true fans” ang host.

Ang suwerte talaga ng mga tagahanga niya dahil pinagtanggol niya ang mga ito at sinabing hindi raw iyon magagawa ng mga ito.

Nakakatuwa na pinagdiinan pa nito na nirerespeto ng mga ito ang mister ni Maiqui Pineda at mahal siya ng mga ito.

Maaalalang hinarass si Robi ng isang troll nang malamang magkakasama sina Donny at Kathryn Bernardo bilang judge sa Pilipinas Got Talent. Banta nito ay iba-bash siya kapag minatch ang dalawa na ‘di talaga pinalampas ni Robi ha.

Ok na ok naman daw sina Robi at Belle at sobrang na-appreciate niya ang young actress.

Kaya naniniwala talaga ako sa kabaitan ni Belle kaya sunud-sunod ang blessings sa kanya lalo na ngayon na magkakapelikula siya na ididirek ni Direk Cathy Garcia-Sampana.

Lalo tuloy akong na-impress sa kanya sa ginawa niya kay Robi.

Talagang hindi lang maganda ang mukha niya kundi pati ang puso niya.

Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangang i-comfort si Robi pero nagpadala pa talaga siya ng mensahe roon.

Talagang likas na talaga kay Belle ang pagiging sweet na kahit sa akin na never pa kami nagkita ay pinakita niya ang pagiging thoughtful. Paano pa kaya sa mga kaibigan niya.

Kaya ano man ang kailangan mo, Belle, one text away lang ako, gagawin ko.

Bongga talaga.

BELLE MARIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->