Wala pang naka-line up na project for 2025 beautiful actress, ligo nang ligo ‘pag nasa taping
May ilang avid listeners kami sa radio program namin ang nagtanong kung may naka-line up daw bang project ngayon kay “beautiful actress.”
Ay oo nga! Wala kaming nababalitaang may kasunod na project sa naturang aktres pagkatapos ng teleserye niya noong nakaraang taon.
Meron na nga bang kasunod? Kasi ang dinig namin, marami shows na naka-line up for 2025 pero wala raw doon sa cast itong si “beautiful actress.”
Hala! Bakit nga ba wala tayong nababalitaang show na gagawin niyang ngayong taon?
Nagsimula nang bumula ng baklitang production staff na nakausap namin.
Marami na raw sa mga taga-production na ayaw na nilang kunin itong si “beautiful actress.”
Iba raw kasi ang attitude nito sa set. Naloloka raw sila kapag nasa set itong si aktres dahil ilang beses daw nagbe-break, para maligo.
Wala raw itong ginawa kundi ligo nang ligo. Kung sa panahon ngayon na ang taas ng heat index, baka maintindihan naman siguro kung gusto niyang laging naliligo. Pero hindi naman ganun kainitan nung panahong nagte-taping sila.
‘Yun siguro ang sikreto kung bakit siya makinis, mabango at malinis.
Pero sa panahon ngayon ng taping at shooting, bilang ang mga oras sa trabaho.
Lalo na at merong Eddie Garcia Law na sinusunod at dapat matapos sa takdang oras.
Halos isang oras daw ang break nito dahil naliligo pa si “beautiful actress.” E kapag maliligo, mabubura na naman ang makeup. Uulitin na naman ito, ibo-blower na naman ang buhok. Kaya ang daming oras na nasasayang.
Ganun daw ang drama nito palagi.
Ang dami pa raw nitong entourage na pinapakain ng production. Dagdag pa riyan ay may attitude rin daw ang mga kasama niyang entourage na ang sososyal. Kaya hindi talaga sila gusto ng karamihan sa production.
Kapag may ganyan ka kasing attitude, ang bilis kumalat niyan at pag-uusapan kayo. Iiwasan na kayong makatrabaho.
‘Yun kaya ang dahilan kung bakit wala siyang show sa ngayon?
Jojo, walang gustong baguhin sa buhay
Sa darating na March 14 ay nasa Spotify at ibang digital platforms ang revival song ni Jojo Mendrez na Somewhere in My Past.
Lumikha ng ingay ang kantang ito at sapat na siguro ‘yun at dapat mag-focus na sa kanta.
Pinuri ang rendition nito ni Jojo, at nakatulong pang kinuha na siya ng Star Music.
Bukod sa Somewhere in My Past ay sa kanya na ipinagkatiwala ni Jonathan Manalo ang nilikha niyang Nandito Lang Ako.
Nagpa-sample pa nga si Jojo sa nakaraang media conference, at maganda rin ang version niya nitong bagong single. Kaya tuluy-tuloy ang promo ng Revival King sa dalawang kanta niya.
Isantabi na raw ang mga isyung kinasangkutan niya, mag focus na lang daw sa mensahe nang pagpasok niya sa music industry.
Magandang halimbawa ng success story ni Jojo na nagsimula lang siya sa pagtitinda ng walis at paghabi ng buli.
Kaya kahit masakit ang past ni Jojo, wala raw siyang tatanggalin at babaguhin.
Aniya, “‘Yun namang nangyari sa buhay ko, ‘yung hirap na dinanas sa buhay ko… actually bahagi siya e. Kung hindi ko ‘yun pinagdaanan, hindi mangyayari itong panahong ito. So, talagang iginuhit siya ng panahon ng tadhana. Kaya kung babalikan ko, wala naman ako gustong i-correct sa buhay ko. ‘Yun kasi ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpatuloy.
“Saka ‘yung closeness ko sa Panginoon na kahit bata ako, nagdarasal ako everyday, umaga, tanghali, gabi lalo na ‘pag galing ako sa school hindi ko nakakalimot magdasal sa Panginoon. At the back of my mind nung kabataan ko sinabi Niya sa akin, basta mabuti ka sa kapwa mo at mahalin mo ang pamilya mo, magulang mo, ibe-bless kita.
“So, that time parang may tinig na naririnig ko na natutulog lang ako sa papag ko na meron akong kulambo na puro surot ang paligid. Pati ang papag ko puro surot.
“So, parang napaka-imposible mangyari mabago ang isang buhay na ganung klaseng buhay na dinaanan ko. Kaya ‘yung iniisip kong babalikan o babaguhin ay siguro dapat talagang daanan ‘yung prosesong ‘yun dahil hindi mangyayari ito kung hindi ko siya dadaanan.”
- Latest