Gerald at Julia, may aaminin kay Bianca

Bibida ang Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa Monday Drama ng Cinema One para sa selebrasyon ng Women’s Month.
Samahan ang Hello, Love, Again star bilang ang nagbabagong buhay na si Mia sa Barcelona: A Love Untold (Mar. 10), overseas worker na si Joy sa Hello, Love, Goodbye (Mar. 17), bride-to-be na si Gab sa Can’t Help Falling in Love (Mar. 24), at masipag na si George sa The Hows of Us (Mar. 31) na mapapanood tuwing Lunes, 9 p.m.
Humanda namang maiyak, matakot, at umibig sa mga pelikula ni Kim Chiu na tampok naman sa Blockbuster Sundays tuwing Linggo, 9 p.m.
Saksihan ang My Love Will Make You Disappear star bilang umaasa sa pag-ibig na si Zyra sa One Great Love (Mar. 9), Chinese breadwinner na si Mayen sa The Ghost Bride (Mar. 16), reporter na si Donna sa U-Turn (Mar. 23), at nagpapanggap na bride na si Rocky sa Bride For Rent (Mar. 30).
Makisaya kasama ang box-office romcom actresses sa Tuesday Comedy na mapapanood tuwing Martes, 7 p.m. – Here Comes The Bride ni Angelica Panganiban (Mar. 11), Ang Cute ng Ina Mo ni Anne Curtis (Mar. 18), at Pak! Pak! My Dr. Kwak ni Bea Alonzo (Mar. 25).
Samantala, makakasama naman ni Bianca Gonzalez sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa weekly talk show na The B Side ngayong Marso 14 at 28, 3 p.m. Ipapalabas din ang replays nito sa cable tuwing Sabado, 6 p.m., Linggo, 9 p.m., at Lunes, 10 a.m.
- Latest