Kontrobersyal na magandang aktres, pumayag magteleserye
Mukhang magbabalik sa pag-aartista ang kontrobersyal na magandang aktres na matagal nang hindi napapanood sa pelikula at telebisyon.
Ang bongga na rin kasi ng buhay niya ngayon, super yaman na siya at kung hindi ako nagkamali, nabanggit niya sa mga nakaraang interviews na hindi na siya mag-aartista.
Pero ang latest na nabalitaan namin, may binubuong drama series ang isang TV network na pagbibidahan ng dalawang lead actress ng naturang network.
May isang mahalagang role na inalok daw ito sa isang dating beauty queen/actress. Pero hindi namin alam kung bakit hindi sila nagkatuluyan.
Ang latest na nasagap namin, inalok na raw ito kay magandang aktres na mukhang nakumbinsing magbalik sa pag-arte.
Ang sabi ng aming source, pinag-uusapan pa raw nila, pero baka tatanggapin na raw ni magandang aktres.
Nag-story conference na raw ang seryeng ito, at nandun ang buong cast bukod lang daw sa magandang aktres na ito.
Kaya abangan natin ‘yan.
KaladKaren, nagsalita sa kontrobersiya sa kanila ng mister
Ang TV5 news anchor na si KaladKaren ang isa sa unang dumating sa Los Angeles, California para sa 2nd edition ng Manila International Film Festival.
Nakatsikahan siya roon ng spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer tungkol sa kinakaharap nitong isyu.
Itinanggi niyang hiwalay na sila ng British husband niyang si Luke Wrightson.
Pero mag-isa siyang tumulak pa-LA at ang tsika pang nakarating sa amin rumampa raw ito sa The Chapel at the Abbey na isang gay bar doon, at pati raw sa Pink Pony Club.
Naloloka raw si KaladKaren sa mga nangyari sa mga lumalabas sa social media.
May tsismis pang isang trans na mas bata ang pinopormahan daw ngayon ni Luke.
“Ang galing magtagpi-tagpi ng istorya ng mga netizen. Ang dami nang isyu like ‘yung hiwalayan namin ni Luke. Meron pang nabuntis daw ako.
“Ano ba talaga? Ang learning dun is that you should be responsible for the information that you receive and you consume. So maging mapagmatiyag tayo kung ano ang tama at totoo.
“Pero ganun talaga kagaling ang mga naghahabi ng istorya, pati ang kamag-anak at kapamilya ko, tinawagan talaga ako at muntik nang maniwala.
“Parang may pressure sa amin to make our relationship work. Parang, ‘Oh my God, hindi ako puwedeng magkaroon ng problema with my lovelife.’
“Normal lang kaming couple na may pinagdaraanan, and for 13 years, ang dami na naming pinagdaanan ni Luke. Bata pa ako, I was 20 when I met him, hindi pa ganito ang itsura ko.
“Hindi pa ako fully transitioned ‘yung time na iyon. I guess for that amount of time, kilala na namin ang isa’t isa. So kung mag-aaway man kami or kung magkakaroon ng any marital problem, kaya namin dapat maayos ‘yun pero hindi sa social media,” saad ni Kaladkaren nang makatsikahan siya roon sa LA ni Noel Ferrer.
Magho-host si KaladKaren sa Konsiyerto para sa Filipino na in-organize ng MMDA at MMFF.
Meron pang Tribute Gala roon na kung saan tampok din ang The Voice champion na si Sofronio Vasquez.
PBB celeb housemates, nahulaan
May mga naglalabasang pangalan ng mga artist ng Sparkle at Star Magic na pasok daw sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Kumpleto talaga ang inilabas na pangalan.
Sa Star Magic ay sina Bianca de Vera, Cianne Dominguez, Brent Manalo, Emilio Daez, Kira Balinger, Ralph de Leon, River Joseph at AC Bonifacio.
Sa Sparkle naman ay lumabas ang pangalang Lianne Valentin, Caitlyn Stave, Olive May, Charlie Fleming, Josh Ford, Glaiza de Castro, Ysabel Ortega, Will Ashley, Bryce Eusebio, Shayne Sava, Mariel Pamintuan, Dustin Yu at Michael Sager.
Sabi ng ilang napagtanungan namin, hindi raw lahat tama ‘yun dahil ibinase lang ‘yun sa mata at bibig na inilabas ng PBB.
Abangan na lang natin sa pagsisimula nila sa March 9 na mapapanood lang sa GMA 7 sa free TV. Pero sa online ay mapapanood Ito sa Kapamilya online at TFC.
Ngayong nasa collab na ito na kung saan magsama-sama ang mga artist ng Kapamilya at Kapuso, hindi talaga maiwasang magkakaroon ng comparison. Makukumpara kung alin ang pinakamalakas at may pinakamaraming followers.
“I don’t think… napatunayan siyempre dahil hindi na nga kami network here,” pakli ni direk Lauren Dyogi.
- Latest