^

PSN Showbiz

Ang Artistahing Tubero at mga Scammer

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Maaga naging tatay si Kenjie Del Rosario. Kaya kinailangan niyang kumayod. Una syang sumabak bilang tubero. (ay may papalinis daw ng tubo, bro!)

“16 years old kasi ako, nagka-baby na ‘ko. Syempre kailangan kong kumita. ‘Yung lolo ng baby ko, tubero sya. Kaya tinuruan nya ako at ‘yun ang naging trabaho ko.” Pag-alala ni Kenjie. (ang aga lumandi ni koya!)

Makalipas ang ilang taon, may humimok naman kay Kenjie na ilabas ang itinatagong niyang talent sa pagsasayaw. Napunta siya sa isang bar sa Pasay City. (dancing tubero pala ang boylet!)

“Yung tito ko kasi dancer sa bar na ‘yun. Siya nagsabi na i-try ko. Pinanood ko lang sya. Pinag-aralan ko ang galawan. Kaya ‘yan na, ginawa ko. Hanggang ngayon ‘yan pa rin trabaho namin ng tito ko.” Pagbabahagi ni Kenjie. (ay pwede ko rin bang maging bro ang tito mo?!)

Pero may isa talaga siyang pangarap na gustong makamit, ang pag-aartista. Inakala niyang matutupad na ito nang makilala nya ang isang gay talent manager. Pero hindi naging maganda ang kanyang karanasan. (ay may binalak ang beki?!)

“May hina-handle sya na sikat na aktor. Kaya nagtiwala ako. Sumama ako sa kanya. Sinama nya ako sa bahay nya. Pero may gusto, may iba syang gustong mang-yari sa amin. Umayaw ako,” paglalahad ni Kenjie (para paraan din ha!)

Hindi naman nawala ng pag-asa si Kenjie.

Nakakaraket sya sa mga serye, paminsan minsan. Hanggang sa na-discover sya ng talent coordinator ng aming Youtube show na WTFu, para sumalang sa aming interview. (naisalang agad! Mainit-init pa!) Pero rito ko nalaman na bago pala sya nakontak ng aming staff, meron na palang nagpanggap na Mr. Fu na nakipag-ugnayan sa kanya sa telegram. (hindi ako ‘yan!)

“Pangalan nya sa telegram ay Mr. Fu TV. Sabi nya igi-guest nya raw ako sa WTFu. Pero nagduda ako kasi gusto nya akong i-book sa isang cliente, maliban sa guesting. Sabi ko hindi ako ganun, “pagkukuwento ni Kenjie (Peke ‘yan!)

Naloka ako sa rebelasyon niyang ito. Gusto ko lang linawin na…una, hindi ako si Mr. Fu TV.

Pangalawa, wala akong telegram.

Pangatlo, hindi ako ang kumukontak sa guest namin sa WTFu dahil may mga talent coordinators kami. Pang-apat, hindi kami booking agency. (ako ang pwedeng i-book.. for hosting! Claro!)

Salamat kay Kenjie at nalaman namin ang panlololokong ito. (impostora!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

SCAMMER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with