Dolphy theater kasama sa magigiba, ilang TV shows biglang pinapa-shortcut dahil sa mababang rating

Sa Isa sa pinag-usapan sa nakaraang media conference ni Sen. Bong Revilla ay ang lalong paghina ng ating movie industry.
Sabi nga ni Sen. Bong, ang dami na nilang taga-showbiz sa Senado, kung hindi pa magagawan ng solusyon ‘yan, ewan ko na lang ‘di ba?
Pero sabi ni Sen. Bong, kailangan daw talaga nating gandahan ang mga pelikulang ginagawa natin.
At heto pa ang isang malungkot na nangyayari sa ating entertainment industry. Humihina na rin talaga ang ating mga TV shows sa totoo lang.
Iilan na lang ang mga programa sa telebisyon na consistent na mataas ang ratings. Ang dami na kasing platforms na pinapanood ng mga tao.
Ang latest na pinag-uusapan ngayon ay ang ilang TV shows na pinapa-shortcut na dahil sa hindi magandang ratings nito.
Meron ngang daily show na nagulat sila sa taping nila nang sabihan silang huling araw na iyun ng taping nila.
Apektado rin ang kita ng ilang production staff dahil ang dami na ring mga show na dinadagdagan ang replay para bawas sa expenses.
Ginagawa na lang ang lahat para mag-cost cutting. Kaya iyun ang madalas na order of the day, magtipid kung ano ang puwede pang gawin para makabawas ng gastos.
Nakalulungkot din itong pagbenta ng malaking bahagi ng ABS-CBN compound.
Binanggit nga ni Vice Ganda sa It’s Showtime na kasama sa bentahan ang studio nila, pati ang sa Dolphy Theater.
Nakalulungkot sa totoo lang!
Kaya sinasabi nila noon tuluyan nang namamatay ang movie industry, pati na rin kaya ang television industry? Huwag naman sana.
Malungkot man itong nababalitaan natin sa ilang TV shows, sobrang punung-puno naman ng energy ang mga hosts ng It’s Showtime na pinangunahan nina Vice Ganda, Kim Chiu, at Vhong Navarro.
Ang ganda nang pagsisimula nila na nagpa-quiz bee sila sa audience na kung saan pinasagot nila ang ilang katanungan tungkol sa ating kasaysayan at pati sa Noli Me Tangere ng Pamabansang Bayani nating Jose Rizal.
Maganda ang ginawa nila, dahil marami na sa mga kabataan natin ngayon na wala na talagang alam sa ating history at sa mga nangyayari sa ating bansa.
May katumbas na 2 thousand pesos kapag tama ang sagot sa mga tanong ni Vice Ganda.
Nang sumunod na segment nila na kung saan naglaro sila ng Ansabe, ang team lang ni Ogie Alcasid ang nanalo. Biglang tumakas sa studio ang team nina Vice Ganda at Vhong.
Hanggang sa nakalabas sila ng studio, sinakyan pa nila ang van ni Belle Mariano para tumakas at inikot nila ang halos buong compound ng ABS-CBN at pinagbabasa pa sila ng tubig ni Vice Ganda.
Pagbalik ng studio, kailangan nilang gawin ang punishment na lumusot sa paa ng mga nanalo. Natapos iyun sa biglang paglabas ni Martin Nievera na nakipagsayawan sa mga bata.
Ang saya nilang panoorin na nakaka-good vibes sa pagsisimula ng linggo.
Darren at Julie Anne, pasiklab ang PBB
Talagang pinanindigan ng GMA 7 at ABS CBN ang collaboration nila rito sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Hindi lang sa pagsasanib ng mga housemate na papasok sa Bahay ni Kuya kundi pati ang theme song nitong Sikat Ang Pinoy ay collaboration ng dalawang magaling na singers ng GMA at ABS CBN na sina Julie Anne San Jose at Darren.
“Historical day today kasi siyempre ang daming mangyayaring magaganap. It’s a GMA x ABS CBN collaboration once again. Ang Ate Julie and I are so honored to be part of this,” pakli ni Darren sa ipinakitang AVP ng PBB Mediacon.
“And it’s also you know a dream come true for everybody. Ahh siguro sa part din ng artist because we have been waiting for this moment na talagang mag-collaborate ang GMA artists and ABS CBN artists,” sabi naman ni Darren.
Malaking karangalan daw sa kanila na kakantahin nila ang nilikha ni Jonathan Manalo 19 years na ang nakaraan. “It’s truly an honor to be singing one of his creations na bibigyan namin ng bagong flavor,” sabi ni Julie Anne.
Dugtong naman ni Darren; “Of course they’re going to be hearing a newest sound from this song. Kasi this was originally sang by Ate Toni Gonzaga and Kuya Sam Milby din. That was 19 years ago. So, our take is more modern. There’s a new sound to it.
“And siyempre iba yung pakiramdam na eto na e, ang bagong henerasyon na ang makakarinig sa kantang ito na ni-release 19 years ago pa.”
Ibang timpla ito ng interpretation nina Julie Anne at Darren.
“For sure marami rin ang curious like o wondering kung ano kaya, how do they sound like together ‘di ba?
“So, they will be hearing our voices sa TV, or like sa radio or everytime na maipapalabas na yung PBB ‘di ba gabi gabi,” napangiting pakli ni Julie Anne.
Kaabang-abang ang pagsisimula nito sa March 9 ng 6:15 ng gabi.
- Latest