Aldub, nag-reunion sa birthday ni Maine

Nag-reunion ang AlDub sa 30th birthday celebration ni Maine Mendoza.
Yup, happy vibes nga ang birthday ni Maine na Mrs. Arjo Atayde na.
Big celebration ang birthday ni Maine kasama ang malalapit na kaibigan niya - Maine Going on Thirty.
Ang daming na-happy sa nasabing pagkikita ulit ng phenomenal loveteam.
But of course, present ang husband ni Maine na pulitiko/aktor si Cong. Arjo Atayde.
Kabilang sa mga guest sa nasabing party ni Maine ang majority sa mga kasama niya sa Eat Bulaga likeBossing Vic Sotto, with wife Pauleen Luna at ilang executives.
Wala na rin naman daw awkwardness na magkakasama silang tatlo - Arjo, Maine and Alden ayon sa present sa party.
Nauna na pala kasi silang nagsama-sama sa kasal ni Jose Manalo. Intentional daw noon na hindi na masyadong pina-play up ang pagkikita-kita nila sa nasabing kasal ni Jose.
Marami namang natuwa at nag-attend si Alden sa nasabing party tho walang photo na magkasama sila sa isang frame.
Samantala wala man sa kanyang party si Joey de Leon, ang sosyal naman ng birthday gift niya sa kapwa Dabarkads. Posted nga Instagram ni Joey ang gift niya kay Maine na siya ang gumawa. “This is my gift to the Birthday Girl Maine — a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots). Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads!” sabi ng Henyo Master.
Ang ganda. Massive ang popularity ng character noon ni Yaya Dub sa Eat Bulaga at sumagot ito ng “Thank you, Boss Joey! Love you.”
Of course, ang husay magpinta ni Joey, henyo talaga at lately ay inspirado siyang gumawa at mag-upload sa social media ng mga gawa niya.
Mark lucky charm? Unang halik ni Tina, bubuhayin ni Jojo
Wow biglang naging household name ang singer / businessman na si Jojo Mendrez.
Bukod sa kanyang revival song na Somewhere in My Past kung saan nag-audition siya para sa nasabing kanta na sa daan-daang auditionees, isa si Jojo sa tatlong na-shortlist, hanggang napiling buhayin ang kanta.
Ni-record niya ang remake ng hit song na Somewhere in my Past na pinasikat ni Julie Vega, na nilikha ni Doc Mon Del Rosario noong 2019.
Pero nung panahon ng COVID-19 pandemic, ang pag-record ng kanta ay naudlot at ilang beses na na-reschedule kung saan siya nagkaroon ng Covid-19 at namatay ang kanyang ama.
Pero last year, 2024, sa wakas ay natapos ang pag-record at na-master niya ang kanta na inayos ni G. Marvin Querido.
At this year lang ito inilabas sa social media at pinapatugtog sa mga istasyon ng radyo sa buong bansa. Pero umabot na ito sa 50 million collective views sa social media, as of this writing.
Hanggang dumating na ang isa pang milestone nung pumirma siya ng kontrata sa Star Music sa kanyang unang original song na Nandito Lang Ako, at iba pa niyang kanta.
At ang susunod niya ire-revive, ang Tamis ng Unang Halik composed and owned by Doc Mon Del Rosario and popularized by Tina Paner.
Bongga, parang lucky charm niya talaga si Mark Herras.
- Latest