Tom, ninega sa kanyang ‘new trophy’
Mukhang hindi pa ready si Tom Rodriguez na i-face reveal ang baby boy niya at ang partner niya. Ang layo ng kuha at kahit i-zoom pa, walang mukha na maaninag. Hindi rin binanggit ni Tom kung saan nag-swimming ang kanyang mag-ina, walang clue, basta titingnan mo na lang ang photo nila.
Tama ang netizens sa mga comment na hintayin na lang kapag ready na si Tom na i-face reveal nang mag-ina niya.
Kanya-kanyang hulaan lang ang netizens kung Filipina ba o American ang partner ng aktor pero dahil maputi ito na makikita kahit malayo ang larawang pinost ni Tom, ang paniwala ng marami ay American ito.
Hindi lang maiwasang may nega comment sa pagpo-post ni Tom ng photo ng kanyang family.
May nag-comment na flinex nito ang kanyang “new trophy.”
Barda fans, inis pa rin kay sanya
This Tuesday, March 4, ang launching ng TVC nina Barbie Forteza at David Licauco para sa sikat na fastfood chain. Kahit blurred ang post, nakilala pa rin ang dalawa.
Sinagot nga ng mga fans ang tag line ng McDo for Barbie and David na “Kakayanin mo ba?” Sagot ng fans, kakayanin nila at excited na sila.
After this, ang TVC naman ng isang brand ng toothpaste ang aabangan ng BarDa fans.
Paano ‘yun? Magpo-promote sina David at Sanya Lopez ng movie nilang Samahan ng mga Makasalanan at ibig sabihin, ang dalawa ang madalas magkikita at magkasama. May mga nagseselos kasing BarDa fans kay Sanya dahil sweet ito kay David at ayaw nilang makita ito na ang sister ng ex ni Barbie ang kasama.
Sandro, nakikipag-usap na ulit
Nagbigay ng update si Ni?o Muhlach sa estado ng anak na si Sandro Muhlach nang makausap siya sa mediacon ni Sen. Bong Revilla. Natutuwa si Ni?o sa malaking ipinagbago ng anak after ng sunud-sunod na therapy session.
Kung dati, three times a week may therapy session ni Sandro, ngayon ay once a week na lang. Dagdag pa ni Ni?o, kung dati, tahimik ang anak, hindi nakikipag-usap kahit sa kanila at nakakulong lang sa kuwarto, ngayon ay masigla na ito.
Bumalik na raw ang dating Sandro na masayahin at makuwento, kaya lalong nagpupursige si Ni?o na ipaglaban at tutukan ang kaso ng anak. Ayaw niyang mangyari sa iba ang nangyari kay Sandro.
Nakuwento ni Ni?o na si Sen. Bong ang una niyang sinabihan sa nangyari kay Sandro at ito ang tumawag kay Atty. Annette Gozon-Valdes. Kaya malaki ang pasasalamat nito sa senador na hanggang ngayon, nakasuporta pa rin sa kanila at kay Sandro.
- Latest