^

PSN Showbiz

Showtime Hosts, nadismaya sa babe contestant na ‘di alam ang Comelec

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Showtime Hosts, nadismaya sa babe contestant na �di alam ang Comelec
Vice Ganda at Heart

‘Kaloka ang babaeng contestant na nag-trending sa It’s Showtime na hindi raw alam ang tungkol sa COMELEC.

Halatang dismayado ang mga host ng Showtime lalo na si Vice Ganda kasama sina Kim Chiu, Vhong Navarro at Jhong Hilario na naloka sa contes­tant na sa edad na 20 taong gulang ay walang masagot tungkol sa COMELEC.

Nabahala nga rin si Vice na totoo naman dahil kung tutuusin ay napakadalas na marinig ito ngayon lalo na at malapit na ulit ang midterm election.

Nakakaloka na hindi rin daw kasi masyadong lumalabas sa social media account niya ang tungkol sa COMELEC.

In fairness, halatang nagtimpi si Vice at sinubukan talaga nila ni Jhong na ipaliwanag ang papel ng COMELEC tuwing eleksyon.

Hindi lang beauty ang kailangan sa pagsali sa segment nilang Sexy Babe dahil kailangan din ng utak doon lalo na kung gustong maging beauty queen noh.

Hindi rason ang education crisis dahil napakadali na lang mag-research sa panahon ngayon.

Hindi bongga.

Atasha sobrang ganda na, may brain pa

Ang bongga ni Atasha Muhlach na anak nina Aga at Charlene Muhlach na may bagong single at siya rin ang sumasayaw sa music video nito.

Walang duda na nagmana siya sa galing ng mommy niyang sumayaw at winner ang face card ng kakambal ni Andres ha.

Bukod sa ang sarap niyang panoorin ay catchy pa ang kanta niya.

Talagang nasa kanya na ang lahat na bukod sa ganda ay talentado pa, sexy pa.

Bongga.

Congrats, Atasha, from your lola Lolit. Hahaha. As if kilala niya naman ako.

COMELEC

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->