^

PSN Showbiz

Lorna Tolentino, 17 taon bago bumalik ng Amerika

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Lorna Tolentino, 17 taon bago bumalik ng Amerika
Lorna Tolentino

Magkasabay na aalis patungong Los Angeles, California sina Lorna Tolentino at Janice de Belen para i-represent sa Manila International Film Festival ang pelikulang Espantaho.

Hindi makakadalo si Judy Ann Santos dahil paalis pala siya patungong Portugal para sa Fantasporto Film Festival.

In competition doon ang kanilang pelikula, at malay natin baka wagi roon si Judy Ann as best actress.

Pero excited kami sa pagpunta ni Lorna sa Amerika, dahil ang huling punta pa niya roon ay noong taong 2008 na kung saan kasama pa niya si Kuya Rudy Fernandez. Nagpapagamot sila roon, at nung 2008 sila bumalik na hindi nagtagal, pumanaw rin ang action superstar.

Sa pagkakaalala namin ay nag-file pa sila roon ng Extra-Ordinary Abilities o Skills para mabigyan ng green card kagaya nang ibinigay noon kina AiAi delas Alas at April Boy Regino.

Pero nung namatay si Kuya Rudy, isinantabi na ito ni Lorna at hindi na niya itinuloy ang application nila rito at nag-decide na siyang hindi na ulit pumunta ng Amerika.

Ang namayapang asawa lang kasi ang maaalala niya kapag bumalik siya ng Amerika.

Pero halos 17 years na ang nakaraan, nakapag-move on si Lorna. Ang sabi nga niya, “17 years naman na po. Life is short.”

Kaya nang inimbita itong sumama sa MIFF, pinaayos na niya agad ang US visa niya at paalis na siya at makakasabay niya sa biyahe ang bestfriend ni Kuya Rudy na si Sen. Jinggoy Estrada.

Mga vlogger, susubukan ang lakas sa pelikula

Susubukan sa pelikulang PostMortem ang lakas ng mga social media infuencer o mga content creator na milyun-milyon ang following.

Prinodyus at dinirek ito ni Tom Nava na gamay na gamay na ang mga online show.

Mga vlogger ang bida sa pelikulang ito na talagang kilala sa online world, kaya dito masusubukan kung pati ba sa ating movie industry ay kaya nilang i-dominate.

Ilan sa kanila ay sina Sachzna Laparan, Jai Asuncion, Agassi Ching, Dudut de Guzman at marami pa na hindi ko pa kilala.

Suportado sila sa pelikulang ito ng mga magagaling na artistang sina Alex Medina at Jennica Garcia.

Okay lang ba kina Alex na hindi kagaya nilang mga artista ang sinusuportahan nila? “Working with them, madali silang katrabaho kasi alam nila ‘yung kalakaran dun sa set e. ‘Yung iba siguro na walang experience, iba rin talaga. Depende siguro sa ibang vloggers na hindi sanay.

“Kumbaga, ‘yung personality mo ang magdi-dictate sa ‘yo kung gaano ka kahusay sa set e.

“Kung observant ka, mabilis. Pero kung hindi, mahirap talaga. Hindi siya ano. It goes both way,” saad ni Alex Medina.

Wala naman siyang masabi sa mga vlogger na katrabaho niya rito sa PostMortem dahil mababait naman daw sila at walang ere. “Medyo intimidating kasi mga vlogger. Eto na ‘yung mga kakaibang ano na e, mga bagong generation.

“But that’s inevitable, the change is inevitable. Kailangan ko siyang i-embrace. Thankful ako na I had a great time with them naman. Walang may ere,” sabi pa ni Alex.

Sabi naman nina Agassi at Jai, lahat naman daw may karapatan at sana mabigyan naman daw sila ng pagkakataong ma-penetrate ang showbiz.

Ani Agassi, “For me personally, I think naman everyone has the right to do kung ano ‘yung passion at pangarap nila. Kung gusto nilang mag-acting as long as they have respect to the craft and the art, why not ‘di ba?

“It doesn’t matter naman kung saang side ka, sa social media side or film side, as long as inaaral mo at talagang isinasapuso mo ‘yung ginagawa mo, kaya mo ang transition dun.”

Dagdag na pahayag ni Jai, “Para po sa akin, wala pong problema. Kasi lahat naman po tayo merong karapatang mag-explore kung saan natin  gusto, o kung ano ‘yung gusto nating i-try na mga bagay po. So, kung kami man po ay mag-artista, pumasok sa ganun na klaseng mundo, sa tingin ko rin po walang problema. Same lang din po ng mga artista na nag-vlog.”

Tingnan natin sa March 19 kung kayang maging box-office star ang mga content creator na kagaya nina Sachzna, Agassi at Jai.

LORNA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with