^

PSN Showbiz

Young actress, gumastos ng P2 milyon sa pagpaparetoke sa South Korea

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Fresh pa ang mga tahi...

Napansin ng ilang nakatrabaho nitong si young actress na tila may pinaretoke ito sa mukha niya.

Siyempre ang unang nakapansin ay ‘yung mga nagme-make up sa kanya. Ang fresh pa raw kasi ng opera na kung saan nakikita pa raw ang tahi sa kanyang mukha.

Ayon sa nagtsika sa amin, nagpa-facelift daw pala at pinaayos ang talukap ng mata ni young actress.

Madali nga namang makatanda ‘yun kapag hindi maayos ang talukap. Pero too early for her!

Nasa 20s pa lang yata itong si aktres, kaya ang bata pa niya para magparetoke sa totoo lang. Kaya pa naman siguro ng non-invasive procedure.

Ang pagkakaintindi ko kasi ng facelift ay kung bumabagsak na ang fezlak! E kung nasa early 20s ka pa lang, hindi pa naman pabagsak ang mukha. Ang bata pa rin naman niyang tingnan kahit parang nagmamadali  siyang mag-mature.

At sosyal, fly raw si young actress sa South Korea at doon nagpa-facelift at mapaayos ang talukap ng mata.

Gumastos daw ito ng halos P2 million para lang ma-achieve ang bonggang kagandahan.

Nakita ko nga ang latest pictures niya, ang laki nang ipinagbago. Lalong gumanda siyempre.

Pero huwag naman sana siyang maadik sa pagpaparetoke.

DenJen, mahina sa takilya

Samu’t-sari ang reaksyon sa pelikulang Everything About My Wife na doon lang namin nalamang remake pala ito sa isang Korean film.

Merong nagandahan, meron namang nadismaya lalo na’t ang ganda ng feedback sa Green Bones ni Dennis Trillo.

Pero magaling silang mag-asawa rito, lalo na’t bagay kay Jennylyn Mercado ang role niya.

Unfortunately, hindi ganun kalakas nung nagbukas ito nung Miyerkules sa mga sinehan. Halos naka-P1 million lang daw ito at hindi na tumaas sa mga sumunod na araw.

Tingnan natin ngayong weekend kung tataas pa ito dahil suweldo naman.

Ang maganda lang suportado ito ng mga malalapit na kaibigan tulad ni si Ms. Rei Anicoche-Tan.

Sa premiere night pa lang nito na ginanap sa SM Megamall noong Martes ay dinaluhan ito ni Ms. Rei para sumuporta kay Jennylyn na ini-endorse ang kanyang Beautederm’s Cristaux line at si Sam Milby naman na endorser ng kanyang Slender Sips Coffee.

Natuwa si Ms. Rei sa pelikula dahil marami raw ang makaka-relate sa pelikulang ito.

Pagbubuntis ni Juday, peke!

Nagsisimula nang tumulak pa-Amerika ang mga artista at nasa production ng Metro Manila Film Festival movies na kalahok sa Manila International Film Festival na gaganapin sa Los Angeles, California simula March 4 hanggang 7.

Ilan sa mga nag-confirm na darating ay sina Lorna Tolentino at Janice de Belen para sa pelikulang Espantaho; Ruru Madrid at Sofia Pablo kasama si Sir Ricky Lee para sa Green Bones; Cong. Arjo Atayde, Enchong Dee at Sylvia Sanchez ng pelikulang Topakk, Seth Fedelin at Francine Diaz para sa My Future You, si Cedrick Juan para sa The Kingdom, at sina MJ Lastimosa at Alexa Miro ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Hindi nag-participate ang Isang Himala at Uninvited.

Walang representative ang And The Breadwinner Is at ang Hold Me Close.

Ang isa sa highlights ng naturang filmfest ay ang Konsyerto Para Sa Filipino: A Free Concert for the Filipino Community in America na gaganapin sa Lyric Theater, Cerritos Center for the Performing Arts sa Cerritos, California.

Kasali sa konsyertong ito ang dalawang bida ng pelikulang My Love Will Make You Disappear na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Samantala, si Judy Ann Santos pala ang dadalo sa Fantasporto Film Festival sa Portugal. Sana magwagi siyang best actress. Next week na raw ang alis nila.

By the way, fake news ang balitang nagdadalangtao si Mrs. Ryan Agoncillo.

Ang husay ng gumawa ng artcard na kunong may result pa ng pregnancy test.

Dami nitong nag-like and share. Pero kinumpirma ni Juday na hindi siya buntis.

KOREAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with