Vice, ‘di namalayang na-dengue

Ahh nagka-dengue pala si Vice Ganda.
Slip of the tongue na nabanggit ni Kim Chiu sa It’s Showtime na nagpagaling si Vice sa Dengue.
Parang wala atang plano ang komedyante na banggitin na nakagat siya ng lamok na may virus nung nagpasalamat siya sa isang medical clinic na gumamot sa kanila ng papa niyang si Ion Perez.
“Sana alam ko na may dengue ako ng time na ‘yun. Hindi ko nga alam, ‘di ba? Nalaman ko na lang, nasa dulo na, ‘ay may dengue pala ‘ko,’” pagbabahagi ng komedyante sa kanyang naging sakit.
“Pero, Ma, nakakabilib kasi hindi ka nanghina,” hirit pa ulit ni Kim.
Sagot niya :“Kasi nga, mataas ang immune system ko. Kumpleto ako sa mga bitamina, at saka healthy living na ‘ko.”
Sabagay ang daming nagkakasakit ngayon ng dengue kahit pa sabihin mong sobrang linis mo sa katawan.
Saka ‘yun nga importanteng may awareness sa dengue at ‘wag basta mag-self-medicate.
- Latest