^

PSN Showbiz

Heaven, ayaw pag-usapan ang past ni Marco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Heaven, ayaw pag-usapan ang past ni Marco
Heaven Peralejo

Napag-uusapan paminsan-minsan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo ang tungkol sa kanilang mga naging karelas­yon. Bilang magkasintahan naman ay wala umanong problema sa aktor ang tungkol dito. “Marco is very open when it comes to exes. Super ano (cool) niya. Ako, ayaw kong napag-uusapan ang past. Ayaw kong malaman na meron din siyang ibang ex. Gusto ko nagsimula ‘yung buhay niya sa akin, joke lang ‘yon, Tito Boy,” natatawang pahayag sa amin ni Heaven sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaang naging kontro­bersyal ang hiwalayan noong 2020 ng dalaga at ng panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel. Ayon kay Heaven ay wala silang naging problema sa pagitan ng pamilya ni Jimuel taliwas sa mga napabalita noon. “No beef at all. None, wala, Tito Boy. Sobrang okay namin until the end,” giit ng aktres.

Taong 2021 naman nang maging magkasintahan sina Heaven at Kiko Estrada. Naging kontrobersyal din noon ang relasyon ng dalawa. Napabalita kasing nag-overlap diumano sina Devon Seron at Heaven sa buhay ng aktor.  “We worked recently for Lumuhod Ka sa Lupa. I think miscommunication but he cleared it out with tito Ogie (Diaz) naman, na parang it’s so far. Malayo ‘yung timeline, guys. But then naunahan na ng tsismis during that time. So kahit anong sabihin mo sometimes, wala na rin talaga,” paglalahad ng dalaga.

Julie Anne, nag-explore

Simula ngayong Lunes ay mapapanood na sa pamamagitan ng Viu ang Slay na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, Mikee Quintos, Derrick Monasterio at Gabbi Garcia. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa si Julie Anne ng isang murder-mystery series. “It’s my first time, really, doing this kind of genre. No’ng narinig ko na murder mystery ‘yung story ng Slay, na-curious ako. Siyempre kasi ang tagal ko nang hindi umaarte. My last one was Maria Clara at Ibarra pa,” naka­ngiting bungad ni Julie Anne sa GMA News.

Ayon sa nakilalang Asia’s Limitless Star ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang kanyang role sa bagong serye.  “I also want to explore. I want to discover myself more. Kung ano pa ‘yung pwede kong mai-offer pagdating sa larangan ng pag-arte. Ako kasi personally, tala­gang nai-enjoy ko whenever I get these roles. First time ko magkaroon ng ganitong klaseng role,” pagbabahagi ng dalaga.

Isang masayang karanasan para kay Julie Anne na makatrabaho sa isang proyekto sina Ysabel, Mikee, Derrick at Gabbi.

Mapapanood naman ang Slay simula March 24 sa Kapuso network. “I also love that I get to work with these very, very talented and passio­nate actors. Talagang nakaka-overwhelm pero ang sarap sa pakiramdam because I know that we are creating something that’s really, really good,” pagtatapos ng Kapuso actress. — Reports from JCC

HEAVEN PERALEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with