Belle, hahawakan sa pelikula ni Direk Cathy

Ang bongga naman ni Belle Mariano na may bagong pelikulang gagawin na ididirek Ni Cathy Garcia-Sampana.
At sa totoo lang, na-excite ako lalo na at si Direk Cathy na director din ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goobye at Hello, Love, Again.
Naniniwala akong good karma ‘yan kay Belle dahil hindi siya nakakalimot.
Grateful siya sa mga taong mababait sa kanya at pinagtatanggol siya. Kahit nga hindi pa kami nagkikita nang personal ay talagang naaalala niya akong padalhan ng regalo.
Hindi ko talaga makakalimutan na isa siya sa pinakamabait na young stars lalo na at nagiging sentimental ako lately.
Naa-appreciate ko talaga ang sweetness at pagiging thoughtful niya.
Marami nga rin ang nagsasabi na mga nakatrabaho niya na mabait daw talaga ito.
Hindi lang talaga raw maganda ang mukha kundi talented din na napatunayan na niya sa mga ginawa niyang proyekto
Na kahit ang iksi ng role niya sa Incognito talagang napansin naman ang acting niya.
Nag-trending siya noon kahit hindi sila magkasama ng ka-loveteam na si Donny Pangilinan.
Tama ba ako na first time niyang gagawa ng pelikula kasama si Direk Cathy na hindi rin kasama si Donny?
Wala siyang dapat ikatakot dahil sigurado akong kayang-kaya niya na magdala ng pelikula.
Pareho nga sila ni Donny na abala ngayon dahil suportado nila ang project ng isa’t isa kung saan isa naman ang aktor sa hurado sa Pilipinas Got Talent.
Congrats, Belle. Praying for your success.
Bongga.
- Latest