^

PSN Showbiz

Jericho, napuri agad sa table-reading ng Quezon!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Jericho, napuri agad sa table-reading ng Quezon!
Jericho Rosales
STAR/ File

Nabanggit na rin lang ang mga historial film kagaya ng GomBurZa, napag-alamang kumpleto na ang cast ng pelikulang Quezon na bagong installment sa Bayaniverse series ng TBA Studios starring Jericho Rosales as Manuel L. Quezon.

Lumabas na rin ang ilang nasa cast, kagaya ni Benjamin Alves bilang young Quezon, Karylle bilang asawa ni Quezon na si Aurora, at kasali siyempre si Mon Confiado bilang si Emilio Aguinaldo.

Si Mon kasi si Aguinaldo sa Heneral Luna at Goyo na prinodyus din ng TBA, kaya tuluy-tuloy na siya rito. Siya bale ang nagtatahi ng kuwento nito.

“Si Jericho Rosales ang tingin kong pinaka-perfect na gaganap ng Quezon dito sa trilogy ng Bayaniverse.

“Noong aming all-star table-reading, grabe! Ang galing niya! Reading pa lang, nakikita ko na si Quezon! ‘Yung accent, ‘yung delivery. Pinahanga niya kaming lahat. Palakpakan kaming lahat nung reading na akala namin, e, babasahin lang. Pero pinakitaan kami ni Jericho Rosales na Quezon, ha?! Kinikilabutan kaming lahat!” bulalas ni Mon.

Hindi pa niya masabi kung kailan sila magsisi­mulang mag-shoot pero talagang pinaghandaan daw ito ng TBA para kasinganda rin ng Heneral Luna at Goyo directed by Jerrold Tarog.

Alfred, abala sa pagpapalagay ng pustiso!

Abala pa ngayon si Alfred Vargas sa mga project niya sa 5th district ng Quezon City, pero itutuloy pa rin daw niya ang pagpo-produce ng pelikula.

Pero sa ngayon ay hindi muna niya maasikaso dahil mag-uumpisa na ang kampanya nila ni Cong. PM Vargas kung saan sa parehong posisyon pa rin sila ng kapatid kakandidato.

Ang pelikulang Pieta ang huling prinodyus ni Alfred at natutuwa siyang ibinalita sa aming unti-unti na raw niyang nababawi ang puhunan niya rito.

Malakas daw kasi ang distribution nito sa ibang bansa, dahil marami pa raw talagang fans doon ang original Superstar Nora Aunor.

Pero kumita na ba siya sa pelikulang ito?

“Ngayon, hindi pa. Pero we’re on our way to ano na to breakeven, mag-ROI na. Kasi ipinapalabas siya sa States, tapos ngayon sa Europe naman. Pero right now, focus muna tayo sa campaign,” saad nito.

Ibinahagi nga niya sa amin na maganda ang resulta ng isa sa project niyang Ngiting Artista, na kung saan ay ini-sponsor niya ang pagpupustiso ng mga constituent niya sa 5th district ng Quezon City.

Ka-partner nila rito ang kaibigan niyang may-ari ng Urban Smiles.

Cedrick at Kate, legal na ang pagsasama

Ang bilis ng mga pangyayari! Nagpakasal na agad ang magkasintahang Cedrick Juan at Kate Alejandrino.

Nakilala si Cedric sa pelikulang GomBurZa at gumanda ang takbo ng showbiz career nito, hanggang hawakan ng MQ Artists Agency, ang talent management arm ng MQuest Ventures.

Si Kate Alejandrino naman ay taga-teatro at nakilala rin sa mga indepen­dent film.

Napag-usapan sila ka­makailan lang dahil sa kumalat na balitang nagdadalangtao na raw si Kate.

Si Kate kasi ang unang kinuhang lead actress sa stage play na Anino Sa Likod Ng Buwan kasama sina Martin del Rosario at Ross Pesigan.

Pero nagulat ang production nito nang umatras si Kate. Doon nagsimula ang tsismis na tila nagdadalangtao na raw ito.

Hanggang kamakailan ay nag-propose na si Cedrick sa naturang aktres.

Pagkalipas lang isang linggo ay nagpakasal na sila.

Ipinost ito ng mga malalapit nilang kaibigan ang kanilang pag-iisang dibdib sa isang garden.

Medyo maluwag ang suot na wedding gown ni Kate, at mukhang may baby bump na ito. Pero as of yesterday wala pa silang kumpirmasyon kung magkaka-baby na sila.

JERICHO ROSALES

TBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with