Kiko, inamin kay Toni ang tunay na pangarap

Mula pagkabata pala ay pangarap na ni senatoriable Kiko Pangilinan na maging astronaut hanggang sa ma-in love sa megastar na si Sharon Cuneta habang nagtatrabaho bilang abogado sa ABS-CBN.
Ito ang inamin niya kay Toni Gonzaga sa Toni Talks,
“I watched the Apollo moon landings, and I was hooked,” pag-alala niya. “I told myself, ‘One day, I’m going to be an astronaut,’” dagdag niya pa.
Ngunit ang kanyang pangarap noong bata pa na tuklasin ang ibang planeta ay nagbigay ng chance sa ibang uri ng pakikipagsapalaran: maging pulitiko. “I realized that while I couldn’t reach for the moon, I could still make a difference here on Earth,” katwiran niya pa.
“And that’s when I started to think about leadership and service.”
At ang mga magulang daw niya ang nakatulong upang ituloy ang kanyang passion sa public service. “My dad showed me the value of hard work and perseverance, a deep love for country, a sense of duty to help those with less; while my mom taught me compassion, service to others, and the power of prayer,” sabi pa niya.
“I saw my mom help students and neighbors without expecting anything in return,” he continued.
“That’s where my journey began.”
Nag-umpisa siyang konsehal pero natalo siya nang sumubok siyang maging kongresista noon kaya napunta siya sa ABS-CBN, Hoy Gising!
Fast forward : Nakatakda na siya noong tumakbong muli para sa muling halalan sa Senado noong 2022 dumating noon ang panawagan ni dating Bise Presidente Leni Robredo. “Hiniling niya sa akin na maging running mate niya dalawang araw bago ako nagplanong maghain ng reelection sa Senado,” pagbabahagi niya.
Pero sadly, hindi maganda ang kapalaran niya.
Nang tanungin tungkol sa kanyang political comeback, optimistic si Kiko.“I still have dreams for this country,” deklara niya.
Ang sikip ng labanan sa senado ngayon, kaya kailangan pa ng sipag sa kampanya.
Anyway, nang matapos ang panayam, hindi napigilan ni Toni na magtanong, ‘Do you still dream about becoming an astronaut?’
Natawa ito. “Not anymore. My feet are firmly on the ground now… but my head is still in the stars.”
- Latest