^

PSN Showbiz

60th birthday ni Marya, ‘di natuloy

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
60th birthday ni Marya, �di natuloy
Diamond Star Maricel Soriano

Hindi natuloy ang 60th birthday celebration ng Diamond Star Maricel Soriano kahapon sa New Frontier Theater sana (hindi sa Araneta Coliseum). Medyo aligaga pa siguro ang lahat, lalo pa’t close si Marya sa yumaong chef na si Gaita Fores.

Naiintindihan naman ito ng mga kaibigan ng Diamond Star. Sa Abril na naka-reset ang naturang selebrasyon. So very private and quiet kaya ang pagdiriwang ni Marya kahapon? We’re sure masaya pa rin!

Celebrity couple, ikinasal kahapon

Totoo nga kaya ang balita na ikinasal ang isang celebrity couple kahapon, na parang pinagtiyap din ng petsa sa kasal din noon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na secret secret din before?

Hindi man kasing A-list, ok naman itong celebrity couple na ito. Low-key, pero ayon sa mga taga-City Hall, mukhang mahal na mahal talaga nila ang isa’t isa.

Ces, pipirma sa TV5

Totoo bang pumirma na ng kontrata si Ces Drilon para sa Cignal /TV5? Grabe ‘no?

Pinalalakas din talaga ng mga network ang kanilang News and Public Affairs department at masusubukan ang lahat ng iyan sa darating na eleksyon!

Malalaman natin kung saan saang show mapupunta si Ces. Ang sabi’y sa Big Picture raw.

Oh well, beterana naman na si Ces sa broadcas­ting. Tatayo naman ‘yan kahit saan siya ilagay.

Carlos, ang laki ng galit sa kapwa hunks

Nakakalungkot lang ang sinapit ng dating Hunks member na si Carlos Agassi. Nagtamo pala ito ng knee injury noong 2022 dahil sa paglalaro ng basketball, at naibulalas niya na kahit na nung napilayan siya, walang nag-check sa kanya. Totoo ba? “Pero hindi masama ‘yun, okay lang. Ganun talaga ‘yung buhay, e,” sabi niya.

Nang gumawa si Carlos ng isang suggestive song entitled Milk Tea noong 2023, na-seen zone lang daw siya ng fellow hunks members. Bakit kaya?

Naikwento niya na nang gawin niya ang kanta ay dumaan siya sa matinding depresyon.

Lumapit din daw si Carlos sa ilang TV networks para sana sa trabaho pero wala raw pumansin sa kanya. Bakit kaya? Dahil kulang ba siya sa talent?

Or baka noong kasikatan din ng The Hunks eh medyo ‘di rin siya nakibagay nang maayos sa mga dating staff nila na ngayo’y mga boss na? Hay naku!!!

Nakakataquote:

“Kumbaga, magkakakumpetensiya kami, ayaw nilang makabalik ako…”

– Carlos Agassi on the other Hunks members (Piolo Pascual, Jericho Rosales, Diether Ocampo and Bernard Palanca)

Talaga ba, Carlos?

MARICEL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with