Fans ni Belle, nagpaliwanag sa pagbabanta

Bayolente ang reaksiyon ng fans ni Belle Mariano nang kumalat ang tsismis na ipapareha raw si Donny Pangilinan sa iba, huh!
Eh magkasama sina Kathryn Bernardo at Donny sa isang talent search kung saan kapwa sila kabilang sa judges!
Eh may natanggap ngang tila pananakot ang host na si Robi Domingo kaugnay ng balak na pagpareha kay Kath ni Donny.
Eh sa channel nga na kinabibilangan naming Marites University, inilagay lang namin sa thumbnail ng mga aabangang balitang showbiz, aba, hindi pa man nagsisimula ang show, bayolente na ang reaction ng Belle fans, huh!
Pero may nagtanggol sa fans na troll daw ito at hindi raw magre-react nang bayolente ang fans ni Belle.
Magkaibigan daw sina Robi at Kathryn, baka kapag nasa show na eh tuksu-tuksuhin niya sina Kath at Donny, huh!
Naku, wala pa nga ‘yung talent show, may negatibo at bayolente nang reaksyon, huh!
Naku, sa showbiz, expect ninyong may rigodon ang mga artistang nagtatambal lalo na ‘pag nakitang may chemistry silang dalawa, huh!
Pokwang, muntik mabudol
Matigil na kaya ang pagpunta kina Pokwang at i-claim na may reservation sila sa bahay niya para sa isang staycation?
Dumulog na kasi sa may kapangyarihan si Pokie upang matigil na ang gumagamit sa bahay niya. Kasama raw ito sa staycation na binayaran nila kaya si Pokwang, shocked sa nalaman niya!
Ang dami nang klase ng pambubudol ngayon, huh! Matigil na sana ang ganito para naman matahimik si Pokwang, huh!
- Latest