^

PSN Showbiz

Paulo, never naging comfortable na halikan si Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Paulo, never naging comfortable na halikan si Kim
Paulo Avelino at Kim Chiu

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang pelikula. Muling nagkatrabaho ang tambalang KimPau sa My Love Will Make You Disappear na mapapanood na sa mga sinehan simula March 26. Sinisiguro ni Paulo na magugustuhan ng mga manonood ang kanilang bagong proyekto. “Ang da­ming parts ng pelikula na sobrang exciting panoorin and nagulat ako na merong mga nilagay rito. Napakaraming magpapatawa, magpapakilig and magpapagulat sa mga viewers natin. Kung nagustuhan n’yo ‘yung trailer, 100% mas magugustuhan n’yo ‘yung pelikula,” nakangiting pahayag ni Paulo.

Pumatok sa mga tagahanga ang seryeng Linlang’ at ‘What’s Wrong with Secretary Kim? na unang mga pinagtambalan ng KimPau. Ayon sa aktor ay hindi kailanman siya naging kumportable sa kissing scenes nila ng dalaga. “Never naging comfortable dahil sino ba namang gustong naghahalikan na parang isang daang tao ‘yung nanonood sa ‘yo sa set? Ang daming nano­nood. So minsan, sinasabi ko kay Kim, ‘Kim, rehearse muna tayo bago tayo mag-ano (kiss),” natatawang kwento ng aktor.

Aminado si Paulo na nanibago ngayon sa tema ng ginawang proyekto. Ginampanan ng aktor ang karakter ni Jolo naisang businessman sa naturang pelikula. “Of course, may baseline lagi and the baseline for me is the script, the character and of course hand in hand with the vision of the director. So parang do’n lagi naka-base. Pero slow burn akoeh. kailangan bini-break in ko, kailangan ninanamnam ko talaga siya bago ako totally mag-adjust sa character. Kaya rin napapansin ni Kim when I was in ‘Linlang’ medyo mabigat ‘yung pinagdaanan ng character do’n. Ang bigatt alaga ng buong istorya. Sa ‘Secretary Kim’ naman, nakakatawa naman ‘yung situations pero may mga trauma naman. Dito naman, parang gano’n din. I always base it on the sharacter and the script, pati ‘yung vision ng director namin,” paliwanag ni Paulo.

Ara, gustong maging palaban

Noong isang taon ay nakilala ang karakter ni Ara Davao bilang si Katherine Caballero sa FPJ’s Batang Quiapo. Nangangarap ang anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao na mas marami pang role ang magawa ngayong taon. “Since I’m just starting, ang dami ko pang gustong i-explorelike ang role ko is more demure (sa Batang Quiapo). Hindi siya masyadong lumabas. So next time sana palaban na‘yung role ko. Ang daming endless possibilities na gusto ko e-explore,” bungad ni Ara sa ABS-CBN News.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makatrabahong baguhang aktres si Joshua Garcia. Kung hindi man palarin ay nangangarap si Ara na makatrabaho ang ilang mga tinitingalang leading men. “Siguro ang gusto ko rom-com para makita ‘yung kalog side ko. It depends on the project. I’m not closing any doors. Minsan kasi may mga unexpected na hindi naman kayo pini-pair pero (papatok),” giit ng dalaga.

Pinapanood ni Ara ang kaibigang si Kaila Estrada saseryeng Incognito.Gusto rin umanong gumawa ng aktresng proyektong aksyon ang tema. “Fan ako ng Incognito ngayon and friend ko si Kaila Estrada in real life. Sana if may chance, why not and hindi pa ako nag-action talaga,” pagtatapos ng baguhang aktres. — Reports from JCC

KIM CHIU

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->