^

PSN Showbiz

AiAi at Pokwang, pasok sa ‘bitter society’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi at Pokwang, pasok sa �bitter society�
AiAi delas Alas
STAR/ File

‘Kaloka si AiAi delas Alas na hindi pa rin nakaka-move on sa hiwalayan nila ng ex-husband niyang si Gerald Sibayan.

Nag-post daw siya ng TikTok video tungkol sa diumano’y kabet ng isang mister na isang dubsmash kung saan daw nagsasagutan ang misis at kabet at nag-lipsync pa siya.

Sey raw ng kabet sa misis ay hindi  siya magtataka na may kabet ang mister nito dahil kapalit-palit daw ang hitsura nito.

Hitsurang na-offend si AiAi sa banat nito.

Dagdag pa noon ay labanan daw iyon ng asawa at kerida, malinis at matino at panirang kontrabida.

Banat naman niya ang panget daw ng kabet ng mister na mukha raw pokpok sa Farmers, Cubao at tiningnan niya ito kunwari mula ulo hanggang paa.

Nakakaloka na nag-a-ala Pokwang din siya na bitter pa rin sa naging split nila ni Gerald.

Hindi na bagay sa edad nila ang ginagawa nilang pagpo-post at pagpaparinig sa mister noh.

Para na tuloy silang teenager na iniiyakan ang pakikipag-split ng ex nila.

Mukhang marami siyang time ngayon na gumanti sa dating mister at diumano’y bagong karelasyon nila ha.

Akala pa naman ng marami ay maluwag na niyang tinanggap ang hiwalayan nila nang magpa-interview siya sa Fast Talk with Boy Abunda pero nagbago yata ito nang may mga nalaman siya tungkol sa ex niya lalo na nang may kuwentong nabuntis na diumano ng ex niya ang girl.

Wala naman na rin siya magagawa dahil maaalalang sinabi ni Gerald na hindi na siya masaya sa relasyon nila at nabanggit daw nito na gusto na nitong magkaroon ng anak, na hindi naman na niya maibibigay.

Kung ako sa kanila ni Pokwang, mag-move on na sila noh.

Hanap na lang sila ng bagong papa para patunayan nilang may asim pa sila.

Hindi na uso ang bitter, mas bonggang maging better.

Hahaha. ‘Yun lang noh.

AIAI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->