^

PSN Showbiz

Jericho at Janine, hiwalay muna!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Jericho at Janine, hiwalay muna!
Jericho Rosales at Janine Gutierrez.
STAR/ File

Jericho (Rosales) at Janine (Gutierrez), hiwalay muna?

Hiwalay muna sa important film projects nila: si Echo may Quezon  with Jerrold Tarog, at si Janine naman may reunion project with her Babae At Baril director Rae Red.

Ang galing lang ‘no? Napu-push nila ang isa’t isa para sa higit na kahusayan. Wagi!

Jeric at Gay produ, lantad na?!

Nakitang magkasama sina Jeric Gonzales at ang producer ng BenTria Productions sa Regine Reset concert noong Biyernes.

Ang tanong, na-reset din kaya sila ng “friendship” nila lalo na’t malaya na silang nakakalabas muli in full view of everyone sa Samsung Theater sa Circuit Makati?

At least hindi na makakapagtanong ng “What’s Going On?” si Rabiya (Mateo) dahil break na sila ni Jeric.

Atong Ang, absent sa graduation ng anak ni Sunshine

Napakasaya ng ex-couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano sa kanilang panganay na anak na si Angelina Cruz na nag-graduate sa La Salle. Nakakatuwa na parang modern family, peaceful co-existence sila.

Kahit may mga katanungan sa mga isip ng mga audience – like nasaan si Atong Ang; magalang lang talaga ang lahat.

MMK, babalik na

Nakakataquote:

“God willing matutuloy ang pagbabalik ng MMK (Maalaala Mo Kaya) this year.”

–Charo Santos-Concio

ECHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->