^

PSN Showbiz

Mavy, pasok na host sa PBB

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mavy, pasok na host sa PBB
Mavy Legaspi
STAR/ File

Ipinakilala sa It’s Showtime kahapon ang Kapuso Royal Tropa ni Kuya, na si Mavy Legaspi pala ito.

Nag-judge si Mavy sa Sexy Babe kasama sina Max Collins at Chie Filo­mena at binati siya nina Vice Ganda na marching bahagi nitong sikat na reality show.

“I’m very excited actually na makilala ‘yung mga bagong housemates na taga-Sparkle, of course Star Magic, and siyempre just to be a part of ‘yung pinakasikat na bahay sa bansa siyempre ang bahay ni Kuya.

“I’ve been watching it since when I was a kid. Bata pa lang ako nanonood na ako ng PBB, and now to be one of the hosts together with Gabbi, Kim, dapat Ate Kim pala, Kuya Enchong, Kuya Robi, Ms. Melai, and of course, Bianca Gonzalez. I’m very excited na and of course the PBB Collab edition, March 9 na ‘yan,” pahayag ni Mavy.

Panibagong challenge ito kay Mavy na ang buong akala namin ay wala nang ibibigay na show ang GMA 7 pagkatapos niyang mag-host sa Tahanang Pinakamasaya.

“Siyempre medyo may kaba. Pero I’m very excited na makakasama ko ang lahat na mga amazing hosts, and siyempre ang mga bagong housemates.”

Sa March 9 na nga pala ito magsisimula kaya ngayon pa lang ay pinag-uusapan na kung sino ang ipapasok sa Bahay ni Kuya.

Ayon sa ilang reliable source, sa Sparkle talents ay ipapasok daw ang baguhang sexy actress na nagho-host minsan. Na-link itong si baguhang sexy actress sa sikat na Kapamilya actor.

Ipapasok din daw ang anak ng kilalang aktres, pero wala kaming ideya kung sino sa mga anak niya na ang ama nito ay isang award-winning actor.

Napapag-usapan din sa Kapa­milya stars, ipapasok daw ang sikat na aktres na sumikat ang loveteam nila sa guwapong aktor. Pero ang narinig namin, susubukan daw itong i-partner sa ibang aktor. Kaya baka isasama raw sa Bahay ni Kuya ang baguhang guwapong aktor na puwedeng i-partner sa kanya.

Hintayin na rin natin ang official announcement nila kung totoong sa GMA 7 lang mapapanood itong PBB Collab.

Camille, marunong nang mandedma

Ipinagkibit balikat na lang ng Senatoriable Camille Villar ang mga kung anu-anong bashing ang ibinabato sa kanya. Meron pang mga meme na obvious namang pinaglalaruan lang siya.

Pero marunong na raw siyang man­dedma, kaya ang iba ay hindi na lang daw niya pinapansin.

“Sanay na rin tayo riyan. Taong 2010 pa lang palaging may bashers.

“Ang importante is alam mo naman na tama ‘yung layunin mo and intensyon mo, and siguro lalabas at lalabas naman ang totoo,” dagdag niyang pahayag.

Kahit nga raw sa mga isyu sa pulitika ay hindi na rin daw siya nagpapaapekto.

“Of course maraming pulitika, maraming away. So, mahirap ‘yun kung hindi ka naman magiging kaaway. Pero ang importante naman, ‘yung advice naman ng mga kasama ko and my parents also na stick to your message,” sambit nito.

Nag-e-enjoy lang daw siya sa pag-iikot dahil mas marami siyang nakikilala at talagang nakakalapit siya sa mga tao.

Nung makatsikahan siya namin sa presscon ng Alyansa ng Bagong Pilipinas, in-assure niya sa amin na gusto raw talaga niyang i-push ang pagbibigay ng incentives sa mga filmmaker na nakakagawa ng magagandang pelikula.

Kung sakaling nasa Senado na siya, ‘yun daw ang isa sa iaambag niya para sa ating movie industry.

“Of course one of my pegs for the Philippine showbiz industry is probably the Korean entertainment industry. Because we can see na talagang it’s very famous worldwide, very successful worldwide,” tugon nito.

“So, we should really give incentives for movie producers, show produ­cers, para mas dumami ang mga material natin. Dapat na mabigyan ng incentives.

“And then, siyempre ‘yung mga workers natin in that industry should also be given support. In the same manner that we support the different sectors. Others should also be livelihood support, financial support that should be given to the people working in the media and entertainment industry… actors to cameramen, everyone who comprises the industry,” dagdag niyang pahayag.

MAVY

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->