^

PSN Showbiz

Trike driver, wagi ng brand new condo!

Pilipino Star Ngayon

Isang simpleng tricycle driver na mula sa San Isidro, Nueva Ecija ang nakatanggap ng pinaka-hindi inaasahang sorpresa na makakapagbago ng buhay niya.

Matapos ang mahigit dalawang dekadang loyal­ty sa Globe, ang 47 na taon na si Resty Trinidad ay nagmamay-ari na ngayon ng isang brand new condominium unit sa Avida Astrea sa Fairview, Quezon City, matapos manalo ng grand prize sa G Raffle Rush noong Setyembre 2024. Ang giveaway ng Avida Land ay isa sa mga tampok ng taunang G Day ng Globe noong nakaraang taon.

Nakatira kasama ng kanyang mga magulang at extended family, nagtatrabaho si Resty bilang tricycle driver habang pinapalago ang isang e-loading business upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Hindi niya alam na ang kanyang 20 taon bilang subscriber ng Globe ay magdadala sa kanya sa bagong tahanan, magbibigay ng seguridad at kaginhawahan na matagal na nilang pinapangarap.

Samantala, noong Setyembre 2024, nagbigay ang G Raffle Rush ng pagkakataon sa mga customer ng Globe na makapag-redeem ng raffle entries gamit ang kanilang Rewards points. Ang bawat point ay may handog na limang entry, na nagbigay sa mga customer ng mas maraming pagkakataon na manalo ng mga kamangha-manghang papremyo.

Bukod sa Avida condo unit, ang mga premyo sa G Raffle Rush ay kinabibilangan ng isang luxury vacation package for four sa Palawan, isang brand-new BYD Dolphin Electric Vehicle, dalawang Gogoro Jego smart scooters, P120,000 na halaga ng SM shopping spree vouchers powered by Share Treats, Samsung S24+ smartphones, HUAWEI Pura 70 Pro smartphones, at 5x P100,000 GCash, at marami pang iba.

Sa pamamagitan ng All-New Rewards program, tinutulungan ng Globe na matupad ang mga pangarap ng kanilang mga customer.

Abangan ang isa pang round ng G Raffle Rush sa Pebrero 24, kung saan makikita ang mga all-expense paid trips, GCash, at shopping vouchers na pwedeng mapanalunan, kaya’t gamitin ang iyong Globe Rewards Points bago ito mag-expire sa Marso 31.

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->