^

PSN Showbiz

Paulo, hindi nagsasawa kay Kim

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Paulo, hindi nagsasawa kay Kim
Paulo Avelino at Kim Chiu

Giving na ang ‘relasyon’ nina Paulo Avelino and Kim Chiu.

Lalo na at aminado ang actor na kay Kim lang lumampas ng dalawang beses ang pakikipagtambal niya sa leading lady.

Naalala niyang “Never na lumampas sa dalawang beses na nakatrabaho ko ang mga leading lady ko sa series or sa movie,” aniya sa ginanap na presscon ng pelikula nilang My Love Will Make You Disappear na palabas na sa March 26.

Katwiran niya: “Hindi nakakasawang katrabaho si Kim.”

Biglang hirit naman ni Kim na hinahampas-hampas pa ang actor : “Nag-a adjust kasi ako,” kasabay ng malakas na tawa na may kasamang kilig.

Kilalang nagda-drama si Paulo sa kanyang mga serye at pelikula pero iba raw nang makatambal na niya si Kim. “Hindi pa talaga ako nakakagawa ng pelikulang romance comedy, saka si Kim madali siyang katrabaho, exciting din naman ‘yung concept,” dagdag ng actor tungkol sa pelikula nila.

Naging very honest din si Paulo sa pagsasabing minanifest niya ang pagsasama nila ni Kim sa proyekto.  “I wanted to work with her. Never ko talaga in-expect, kasi nag-iba na rin ang tahak ng mga gusto kong gawin. Hindi ko alam na kay Kim pala ang bagsak ko,” kum­pisal ng tinaguriang “nonchalant” actor.

Siyempre, hiningan ng reaksyon si Kim sa mga sinabi ni Paulo.  Aniya, “Hala! I’m speechless!”

Inamin din ng It’s Showtime host na nu’ng una, hindi talaga niya alam kung papa’no kakausapin si Paulo.

Ni hindi rin daw niya naisip na makakasundo niya ito dahil hindi nga ito masalitang tao. “Nakatayo lang siya. Actually, titingnan ka lang niya, ganu’n,” hirit ni Kim.

Sa huli inamin ni Paulo na hindi niya inasahan na kay Kim siya babagsak at ang massive success ng tambalan nila ng actress / TV host. “Never ko talagang inexpect na makakatrabaho ko si Kim, hindi ko alam na kay Kim pala ang bagsak ko.”

ACTOR

ACTRESS

KIM CHIU

PAULO AVELINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->