^

PSN Showbiz

Megan, naglilihi na rin sa tubig!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Megan, naglilihi na rin sa tubig!
Megan Young at Mikael Daez

Ang bongga naman ng celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez na nagba-bonding sa pool habang buntis ang ex-beauty queen.

Sa post ng aktor ay nag-e-enjoy sila habang buhat-buhat ni Mikael si Megan sa swimming pool. Sa caption nga niya ay sinabi nitong mukhang magkaka-waterbaby sila.

Swimming daw kasi ang bagong craving ng wifey niya.

Sey naman ng mga netizen ay mukhang kahihiligan din daw ng panganay nila ang tubig.

May netizen naman na napatanong kung ano raw kaya ang nakapagpabago sa isip ng mag-asawa na magkaanak. Pero nagsalita naman sina Megan at Mikael na noon daw ay sinabi nilang ayos lang sa kanila kung hindi pa sila magkaanak pero ok lang din daw kung magkaroon na.

Ayon nga kay Mikael ay meron daw silang mahahabang podcast pero nag-focus daw ang mga nakikinig sa isang linya, na ang tinutukoy ay ang komento ng mga netizen sa social media na inakalang ayaw raw nilang magkaanak.

Kaya nagdesisyon silang magpaliwanag tungkol sa pregnancy journey nila kahit hindi naman talaga kailangan.

Inamin naman ni Megan na bago raw siya mabuntis ay may takot talaga siya sa panganganak at mga komplikasyon noon.

Wala rin daw kasi siyang mga kaibigan na nakakausap tungkol doon kaya mas naka-focus lamang siya sa mga kwentong naririnig niya noon.

Pero ngayon daw ay sabik na siyang mahawakan ang anak nila. Nanonood nga raw siya ng mga video na nanganganak kagaya ng kay Iya Villania na kapapanganak lang sa ika-limang baby nila ng mister na si Drew Arellano.

ACTOR

ACTRESS

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with