Cedrick, pakakasalan si Kate!

Lumabas ang engagement photos nina Cedrick Juan at Kate Alejandrino at ito’y kumpirmasyon ng atin nang naunang balita ukol sa kanilang kalagayan. Ang sabi ni MMFF GomBurZa Best Actor -
“Isang pangarap… Pangarap na nagsimula sa pagpapanumbalik ng iyong tunay na ngiti na naguugat sa kaluluwa, isip, puso at mga mata. Ito ang layunin ko simula noong unang araw na tayo’y nagsimula.
“Trabaho ko ang mahalin, pagsilbihan, makinig at pasayahin ka dahil nararapat ito para sayo. Ang maging sigurado at tiyak sa bawat hakbang araw-araw na magkasama.
“Tara mangarap tayo bawat sandali simula sa araw na ito.
“Mahal, Mahal na mahal kita at pipiliin ka araw-araw Kaitin.”
Hindi raw naman nag overlap ang relasyon ni Cedrick kay Karen at Kate. Napuruhan nga lang agad.
Ngayon, ano kaya ang magiging epekto nito sa career ni Cedrick?
Parang wala naman. Tuloy lang ang buhay. Ano sa tingin niyo?
Ang tanong ay - Kailan kaya ang kasal? Pagkapanganak na ba ni Kate or before pa? Abangan natin yan.
Jojo Mendrez, nasa Star Music na
Si Jojo Mendrez nasa Star Music na! What does that mean and what does it take para maging nasa Star Record Label? May artistic control ba ito? Or control sa promo man lang?
In fairness, maganda ang kantang Nandito Lang Ako - so kumita ang Star doon sa kanta ni Jonathan Manalo. Ang tanong, makakapag guest ba si Jojo sa ASAP o It’s Showtime man lang sa ABS-CBN at maka-number ang mga ASAP OPM greats? O sa IWantASAP siya ilalagay na teritoryo ng mga bagets?
Sa masaganang presscon noong isang gabi ni Jojo Mendrez with matching flowers with Mark Herras, ang tanong ng madlang people, si Jojo na ba ang Anna Dizon ng makabagong panahon? Jojo Mendrez IZ Jojo Mendrez na nga ba?
Khalil, sasama sa bahay ni Kuya?!
Sino kaya itong power tandem sa Bahay ni Kuya na sinasabing ipapakilala sa TV Patrol ngayong gabi? Pagkatapos ipakilala si Gabbi Garcia, inisip ng mga tao na baka si Khalil Ramos - na in fairness magaling ding magsalita. Pero magiging busy si Khalil sa kanyang theater production soon. Kayanin kaya niya?
Si Alden na pinakapopular sa GMA7 ang puwede sana masama dyan para magkapremium pero may show siyang sarili na sisimulan sa Kapuso network soon.
Sino pa ba ang magaling maghost sa Kapuso network - na couple daw? Drew at Iya or si Mikael at Megan? Naku, baka Rayver at Julie Anne?
Sino dyan ang totoong power couple kaya? Abangan!
Nakakataquote:
“Makati to BGC 4km ang layo to be exact, pero 1 hour ang travel time. What if mag cry na lang tayo all together?”
(Angelica Panganiban)
- Latest